Saturday , November 16 2024

TODA leader todas sa suntukan

BINAWIAN ng buhay ang isang tricycle driver na lider ng Barangay 71 Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) makaraan makipagsuntukan sa isa sa kanyang miyembro na nam-bully sa isa pang miyembro sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Joseph Arcega, 52, residente sa Stotsenberg St., Bukid, ng nabanggit na lungsod, makaraan mawalan ng malay dahil sa suntok na tumama sa kanyang ulo.

Nahaharap sa kasong homicide ang suspek na si Abiger Cruz, 35, residente rin sa nabanggit na lugar na agad binitbit ng mga barangay tanod.

Sa isinumiteng report kay Chief Insp. Roden Santos Tejuco, hepe ng Caloocan Police Station Investigation Division, naganap ang insidente dakong 8:00 pm sa terminal ng tricycle sa kanto ng Florencia St., at 12th Avenue.

Napag-alaman, pabalik sa terminal ang isang miyembro ng TODA na si Jerry Ramos, 51, lulan ng tricycle, nang makita ang suspek habang nakatambay sa kanto ng Florencia at Francisco streets na tila may hinihintay.

Nang paparada na si Ramos sa terminal, nilapitan siya ng suspek at sinabing bakit hindi man lamang siya isinakay at pagkaraan ay hinamon ng suntukan ang una.

Nasaksihan ni Arcega ang insidente kaya kinompronta ang suspek na humantong sa kanilang suntukan.

Inawat ang dalawa ng mga barangay tanod ngunit habang nasa barangay hall ay biglang nawalan ng malay ang biktima at binawian ng buhay.

 (ROMMEL SALES)

 

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *