Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miss Universe top ten finalists Rachel Peters may coffee shop sa Siargao

NASA bansa na ang top ten finalists sa Miss Universe 2017 na si Rachel Peters, at kahit hindi pinalad na maiuwi ang korona ay nagpasalamat pa rin si Rachel sa lahat ng mga Pinoy na sumuporta at bomoto sa kanya sa online at isang humbling experience daw ito para sa kanya.

Malaki rin ang pasasalamat ng beauty queen sa all-out support ng kanyang pamilya at boyfriend na si Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte.

Bukod sa ilang activities, rarampa sa fashion show ng Department of Tourism (DOT) sa pangunguna ng itinanghal na Miss Universe 2017 na si Demi-Leigh Nel Peters ng South Africa kasama si 2016 Miss Universe Iris Mittenaere at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nasa Siargao ngayon si Rachel, para tutukan ang negosyong Bake X Coffe Shop na this year lang niya itinayo. Ito ang negosyong napili niya dahil hilig ni Rachel ang maging barista na kanyang natutuhan noong kumuha siya ng kanyang Bachelor’s degree sa La Trobe University sa Australia.

Sa sarap niyang gumawa ng iba’t ibang tatse ng kape, dinarayo hindi lang ng mga Pinoy kundi maging ng mga foreigner ang coffee shop ni Rachel na matatagpuan sa mismong beach ng General Luna sa Siargao Island.

Jerome Ponce bistado
na
ang relasyong Eula-Jeric…

IMBESTIGADOR SA KASO
NG AMA NI JOSHUA
PINATAY NI JERIC
SA “THE GOOD SON”

Mas magiging mahirap ang daan ni Joseph (Joshua Garcia) tungo sa katotohanan ngayong patay na si SPO1 Colmenares (Michael Rivero) matapos siyang madugong kitilin ni Dado (Jeric Raval), ang driver at kalaguyo ni Olivia (Eula Valdez) sa “The Good Son.”

Bago pa malaman ng imbestigador ang tunay nilang ugnayan ni Olivia, siniguro ni Dado na hindi na siya makakapagsalita kay kanyang pinatay gamit ang buo niyang lakas.

Sa pag-aakalang tapos na ang kanilang kalbaryo, magiging balakid sa kanila ang kapatid na pulis ni SPO1 Colmenares na bagong hahawak sa kaso ng pagkamatay ni Victor (Albert Martinez).

Samantala, kompirmado na ni Enzo na may namamagitan kina Olivia at Dado matapos niyang mahuli ang dalawa na aktong naghahalikan, kaya lubos ang naging galit niya sa panlolokong ginawa ng kanyang ina.

Sa kabila ng sama ng loob, pinili ni Enzo na pagtakpan ang kasinungalingan ng ina at inilihim sa awtoridad ang natuklasan niyang rebelasyon.

Sa gitna ng kaguluhan, kasa-kasama ni Enzo si Joseph (Joshua Garcia) at tinanggap siya sa kanilang tirahan upang maiparamdam na mayroon siyang kadamay sa pinagdaraanan niyang problema.

Ano na nga ba ang mangyayari sa imbestigasyon ngayong wala na si SPO1 Colmenares? Hanggang kailan itatatago ni Enzo ang katotohanan? Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son” gabi-gabi pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @DreamscapePH sa Twitter at Instagram.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …