Saturday , December 21 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Tamang panahon para tubusin ng PNP ang pangalan nila at kredebilidad

ITO ang pagkakataon para tubusin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pangalan sa mga insidente ng pagkakapaslang sa pinaghihinalaang drug pushers at drug addicts sa pagsusulong ng drug war ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Naging mainit na isyu laban sa kampanya sa droga  nang mapaslang ang teenager na si Kian delos Santos at nasundan ng dalawa pa.

Kung tutuusin, malaking tulong sa peace and order ang kampanya laban sa ilegal na droga na iwinawasiwas ni Pangulong Digong.

Nakasira lang dito ang pang-aabuso ng ilang pulis kaya nga tinanggal ng Pangulo ang anti-drug war sa kanilang ahensiya at inilipat sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

In fairness, sa maikling panahon ay naipakita ng PDEA na mas pino silang magsagawa ng operasyon at hindi nagkakaroon ng kontrobersiya.

Bukod diyan, hindi piyaet-piyaet ang huli nila, kundi malalaki, doon sa lugar ng mga richy-richy.

Hindi gaya ng mga lespu, na tila ang abot lang ng kanilang intelligence work ay ‘yung maliiit na adik sa Tondo, sa Caloocan  at sa iba pang dahop na lugar sa Metro Manila.

Hindi ba’t nabansagan ngang anti-poor ang drug war ni Digong?!

Anyway, ngayon ang panahon para patuna­yan ng PNP, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, na kaya ninyong i-level-up ang giyera kontra droga.

Ituring ninyong kulugo ang droga na kung hindi matatanggal ang pinakaugat ay muli’t muling susulpot sa balat.

In short, ang dapat na maging target ng PNP ay ‘yung pinagmumulan ng ilegal na droga na kumakalat sa mahihirap na komunidad.

Sa ganoong paraan, bibilis ang inyong trabaho at mababawasan ang drug trade kung hindi man tuluyang magwawakas.

Hindi ba, Director General Bato?!

IMMIGRATION
EMPLOYEE SABIT
SA KIDNAPPING?!

ISANG Koreano na biktima ng kidnap-for-ransom ang nagawang i-rescue kamakailan ng mga miyembro ng PNP-Anti-Kidnapping Group sa mismong compound ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros.

Susmaryosep!

Diyata’t sa mismong BI parking lot daw nangyari ang ginawang entrapment operation na kinasangkutan ng isang empleyado ng ahensiya kasama umano ang isang taga-National Bureau of Investigation (NBI).

Sonabagan!

What’s happening with you, guys?!

Si Korean businessman Lee Jung Dae na nagmamay-ari ng isang restaurant sa Angeles City, Pampanga ay kinidnap at ipinatubos kasabwat ang dalawang magkapatid na Koreano na nagngangalang Cha Jae Young at Cha Jae Sun!

Isang Raymond Flores, ang nagsilbing lookout habang hinihintay ang ransom money mula sa asawang Filipina.

Sa isang follow-up operation sa isang condominium unit sa Padre Faura St., Ermita, Maynila, isang Koreano na nagngangalang Kim Min Kwan ang nasakote ng mga taga-PNP-AKG.

Ayon sa nakalap nating info, isang pekeng mission order ng BI ang inilabas at ginamit sa pagdampot sa Koreano ng isang Carlos Garcia na napag-alamang kabilang sa Civil Security Unit ng BI.

Nakupo, naloko na!

Nagawa raw makapagbayad ng paunang ransom na P1.2 milyon ang kinidnap na Koreano pero pumalag nang muling humirit ng karagdagang P1.2M ang mga suspect.

Aba’y nasarapan ang mga kumag?!

Sa ngayon, mariin pang pinag-aaralan ang iba pang anggulo tungkol sa nangyaring krimen.

Sinasabing mayroon pang dalawang BI agents na sangkot sa planong kidnap kay Lee.

Ganern?!

Hanggang ngayon pala ay meron pang hindi nadadala sa ilang tulisang ahente ng BI sa sistema ng hulidap!

At ‘di lang simpleng hulidap ang nangyari sa kanilang biktima kundi isang mapanganib na KFR?!

Well, hindi lang pala sa pag-ibig nangyayari ang “level-up!”

Pati sa kidnapping uso rin pala?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *