Friday , November 15 2024

‘Sinister plot’ cum impeachment at pagtarantado sa rule of law

BALEWALA na sanang sulatin at pag-aksaya­han ng espasyo ang walang kabuluhang impeachment complaint na pinagkakaabalahang busisiin ng House Committee on Justice sa Kamara sa impeachment complaint na inihain ng abogadong si Larry Gadon para makabuo ng Articles of Impeachment na gagamitin para patalsikin si Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa puwesto.

Mula’t sapol naman ay maliwanag na ‘fishing expedition’ at ‘witch hunting’ ang impeachment laban kay Sereno at kahit pawang base lamang sa ‘hearsay’ ay kung bakit pinag-aaksayahan pa ng panahon ng mga ‘sipsip-buto’ sa Kamara.

Inaasahang, by hook or by crook, sisiguruhin ng mga namamalinis sa Kamara na maisasalang sa paglilitis ng Senate Impeachment Court si Se­reno.

Katunayan ay ipinatatawag agad sa Kamara ang bawa’t pangalan na banggitin ni Gadon, na ayon sa kanya ay may direktang kinalaman sa kanyang mga pinakakawalang paratang.

Hindi ba’t sentido-kumon lang kung sino ang may direct o personal knowledge ang dapat naghain ng reklamo laban kay Sereno, imbes si Gadon na walang alam?

Sa panayam sa kanya ng isang programa sa radyo noong Linggo ng umaga, nagpakawala na naman ng tsimis si Gadon na kesyo iniimbestigahan daw niya ang balita na isang ‘oligarch’ ang naglaan ng panunuhol na tig-P200-M kada senador para iabsuwelto si Sereno.

Hindi natin sinasabing imposibleng matapalan ng salapi ang mga Senador, lalo’t inamin nina da­ting senador Jinggoy Estrada at Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., na tumaggap sila ng P50-M pork barrel mula sa administrasyon ni PNoy kapalit ng kanilang boto para patalsikin si yumaong dating chief justice Renato Corona sa puwesto.

Ibig sabihin, sina Estrada at Revilla ay kapwa may direct knowledge dahil sila mismo ang sinuhulan, habang si Gadon ay walang pinaghuhugutan ng kanyang mga malisyosong paratang na “kuwentong barbero” lang.

May mga lihim na kadahilanan na kung tawagin ay ‘sinister plot’ sa isinusulong na Impeachment laban kay Sereno at hindi dahil siya ay guilty sa mga dispalinghadong paratang laban sa kanya.

Walang karapatan ang mga mambabatas na abusuhin ang proseso kahit sabihin na nasa kapangyarihan nila ang impeachment sa ilalim ng Saligang Batas.

Pagtarantado na ‘yan sa rule of law, hindi kay Sereno!

 

BGY EXECS GAGAMITING

‘DEODORIZER’ NG NCRPO

VS ILLEGAL DRUGS OPS

KUNG ‘di man kinokontra ay minamaliit ba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde si Pres. Rodrigo “Digong” Duterte?

Balak daw kasing gamitin ng NCRPO na ‘deodorizer’ ang mga opisyal ng barangay sakaling maibalik sa Philippine National Police (PNP) ang madugong giyera na inilunsad ng administrasyon laban sa illegal drugs.

Ani Albayalde, “We are hoping that with the barangay officials around, the police would fully abide with the rules of engagement and the accusations of EJK would be totally wiped out.”

Ibig sabihin ba ay aminado si Albayalde na talagang balbon ang mga police operation at hindi nga sinunod ang rules of engagement habang ang kampanya kontra ilegal na droga ay nasa poder pa ng PNP?

Paano naman nasabi ni Albayalde na lubusang mabubura ang paratang ng EJK na nakakapit sa kuwelyo ng PNP kapag kanilang isinama sa operations ang mga opisyal ng barangay?

Baka sa sobrang pagka-atat ni Albayalde na maibalik sa PNP ang kampanya laban sa ilegal na droga ay lumalabas tuloy na hindi dapat seryosohin si Pres. Digong.

Bakit, ang pagsugpo o paglutas na lang ba sa ilegal na droga ang krimen na puwedeng pagkaabalahan at dapat atupagin ng PNP?

Aba’y, masyado naman yatang maikli ang memorya o pantanda ni Albayalde at nakalimutan niya na mismong si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang nagsabing 40 porsiyento ng barangay officials ay pasok sa sindikato ng ilegal na droga sa bansa.

Kaya nga ipinagpaliban ang eleksiyon para sa mga opisyal ng barangay sa pangamba ni Pres. Digong ang mga sangkot na nagkamal sa ilegal na droga rin ang malamang na magwagi sa halalan.

Bakit hanggang ngayon ay walang resulta sa ipinangakong kampanya ni Gen. Ronald “Bato” dela Rosa at ng PNP laban sa talamak na illegal gambling?

Santisima!!!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *