Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging game ni Jen (sa halikan), ikinagulat ni Derek

NAGING isang surprise hit ang unang pelikulang pinagtambalan nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, iyong English Only Please. Bukod doon, iyon ang nagsimula ng isang panibagong trend sa isang pelikulang love story. Noong una, hindi nga inaasahang magiging hit iyon, dahil sinasabi nila iyon ay isang low budget film, na maaaring ang nagpataas lamang ng gastos ay ang talent fee nina Derek at Jennylyn, pero ang pelikula ay pinuri ng mga kritiko, bukod sa nagustuhan din ang publiko at naging isang hit movie nga.

Ngayon, makalipas ang ilang taon, muli silang pinagsama sa All About You, na ayon sa director nilang si Dan Villegas ay medyo seryoso ng kaunti kaysa sa nauna nilang pelikula. Ibig sabihin, ngayon ay mas mabigat na love story iyan, kasi sa paniwala nila, medyo nag-mature na rin naman ang audience ng kanilang mga pelikula sa ngayon.

Oo nga naman, dahil dominated na ng mga mas batang love team kagaya ng KathNiel ang romantic stories na pambata, so ang kailangan nilang gawin ay iyong medyo matured na ng kaunti.

Sa nakikita naman naming reaksiyon ng mga taong nakapanood na ng trailer ng kanilang pelikula sa internet, mukhang gusto naman nila ang pelikula, kaya inaasahan ngang magiging isang hit movie rin iyan. Hindi naman nila inaasahang magiging top grosser. Alam naman ninyo ang kompetisyon kung may festival, pero iyan ay siguradong kikita rin naman ng malaki.

Marami pa nga silang sinasabi, mukhang mas bumigay si Jennylyn sa pelikula. Medyo mainit ang kissing scene nila ni Derek, na maski ang actor nga ay nagulat. Pero iyon ay dahil mas matured na naman si Jennylyn ngayon kaysa noong una silang magkasama.

Hindi pa natin masasabi kung ano ang magiging resulta ng pelikulang iyan, ang masasabi lang namin, siguro isa iyan sa totoong kikita ng malaki.

MAINE, NAKABAKASYON?
ALDEN, MAGSOSOLO NA,
KAYA NA KAYA?

ILANG araw na naming napapanood ang Eat Bulaga at napansin namin, wala yata si Maine Mendoza. Palagay namin bunga pa iyan ng kanyang open letter. Hindi natin masabi kung siya ay “pinagbakasyon” muna, o dahil doon ay nagdesisyon siyang “magbakasyon” muna.

aldub alden richards Maine Mendoza

Pero isa lang ang napansin namin, mukhang matamlay ang show ng wala si Maine. Iba kasi ang dating niyong kakulitan ni Maine. Makulit na cute ang dating niya at marami ang natatawa sa kanyang mga reaksiyon kadalasan.

Pero sa isang banda, kung talaga ngang ang gusto ni Maine ay magkaroon na siya ng freedom, mas makabubuti nga kung matatapos na ang love team nila ni Alden Richards. Hanggang nagkakatambal sila, nandiyan pa rin ang fans na magpipilit na magkatuluyan sila.

Si Alden naman ay may gagawing serye na hindi kasama si Maine. Mabuti rin naman iyon para sa kanya, para hindi masabing napansin lang siya niyong makasama niya si Yaya Dub. Diyan mapatutunayan niya kung makakatayo nga siya sa sarili niyang paa na wala ang kanyang yaya.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …