Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Loren Burgos, ipinagmamalaki ang pelikulang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa

IPINAHAYAG ni Loren Burgos ang kagalakan sa pagoging bahagi niya ng indie film na Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa. Si Loren ang leading lady ng lead actor dito na si Alfred Vargas. “Ang movie ay tungkol sa farmer na nagkunwari na marunong siyang magsulat at magbasa. Definitely ito ay makabuluhang pelikula na nag-e-emphasize sa value ng education.

“So ang mga bata pong manonood nito, makakapulot sila ng aral dito sa movie,  marami silang matutunan about sa government, at kung bakit may mga child warrior na sumasali sa rebel organization,” saad ni Loren.

Dagdag pa niya, “This is my first Cinemalaya film at sobrang blessed ko po na nakasama ko ang napakaraming veteran actors na sobra ang gagaling nila. Nag-audition ako para sa role, pumila talaga ako sa Cinemalaya, pang-384 yata ako noon,” nakatawang saad niya.

Ang pelikula na pinamahalaan at isinulat ni Direk Perry Escaño ay ukol sa pagpapahalaga sa edukasyon. Si Aquil (Alfred) ay isang magsasaka sa liblib na lugar na napilitang maging guro sa mga bata, kahit na siya ay isang no-read no write dahil hindi man lang nakatuntong kahit Grade-1.

Ngunit, bukod sa kahirapan, makikita rin dito na sagwil sa edukasyong minimithi ng mga kabataan ang peace and order situation sa bansa at korapsiyon sa pa-mahalaan. Kaya ang iba sa kanila ay naging child warrior, humawak ng baril at pumatay ng kapwa, kahit sila ay mga bata pa lamang.

Ano ang masasabi mo kay Alfred bilang co-actor mo rito at kay Direk Perry? “Natutuwa ako kay direk Perry, kasi sobrang bait niya and mahaba ang pasensya. His production was very organized, they gave us the scripts and schedule of shoot days ahead of time. Si Alfred naman, gentleman and ang bait rin niya.”

Bukod kina Alfred at Loren, tampok din sa pelikula sina Mon Confiado, James Blanco, Miggs Cuaderno, Marc Justine Alvarez, Lou Veloso, Micko Laurente, Kiko Matos, Paul Sy, Garie Concepcion, Ernie Garcia, Tori Garcia, at iba pa. Palabas na ito sa mga sinehan sa December 6, 2017.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …