SUNOD-SUNOD ang blessings na dumarating sa Boy Group na The Baes. After mapasama sa launching movie ng lolas na “Trip Ubusan: Lolas vs. Zombies” sina Bae Kenneth Medrano at Miggy Tolentino ay kasama ng iba pa nilang kagrupo na sina Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor at Joel Palencia.
Kinuha silang endorser JND Group of Companies para sa bago nilang business na Heroes Barbers Revolutionized Grooming. At ayon sa mga owner ng Heroes Barbers na nasa likod ng sikat na Nailandia Spa na sina Mr. & Mrs. Noreen and Jun Divina at Michelle and husband Edwin Bernardo pare-pareho sila ng choice na ang The Baes ang gawin nilang AmBaessadors ng Heroes Barbers dahil bukod sa popularity ng anim na miyembro ay taglay ng bawat isa ang guwapo look.
Malaki rin ang kompiyansa nila sa group na mapo-promote nila ang kanilang barber shop na target nila ay madagdagan nang mas marami pang branches. At dahil crowning glory ng lahat ang buhok ay naitanong sa The Baes ng ilang invited entertainment writers sa contract signing cum launching presscon sa Victorino’s Resto kung mga vain ba sila?
“Hindi po naman sa vain na kami, pero gusto po namin maging role model na maging maayos kami sa pagharap sa mga tao, lalo kung umaatend kami ng events tulad ng araw-araw kaming napapanood sa Eat Bulaga.”
Kay Bae Miggy naman sinabi ng dancer-actor na noong gupitan sila ng Heroes Barbers para sa kanilang photo shoot ay natuwa sila lahat ng mga ka-miyembro dahil maganda ‘yung gupit ng mga barbero. Actually may sarili daw stylist si Miggy pero sinubukan niya rito at maayos nga raw.
At dahil tunog hero ang pangalan ng ine-endosong barber shop sa kanilang pictorial lahat sila ay nagsuot ng hero costumes.
Ang Heroes Barbers ay may tatlong branches na matatagpuan sa San Pablo, Laguna; Fora, Tagaytay; Quintin Paredes, Binondo; at magbubukas na rin ang sariling branch ng presidente ng Triple A Management na si Sir Rams David na located naman sa E. Rodriguez corner Tomas Morato, Quezon City.
Bale franchised ito ng butihing manager ng The Baes, Marian Rivera at marami pang iba. Para sa mga nais mag-franchise, tawag lang sa 0995-5770628, 0915-1060888 at sa kanilang Landline sa (02)2824306 o kaya ay mag-email sa [email protected]
INA NG EAT BULAGA NA
SI MS. MALOU CHOA-FAGAR
SRO LAGI ANG BIRTHDAY
SA dami ng showbiz friends, na nagmamahal sa Top Executive ng Tape Incorporated at Talent Manager (member ng PAMI) na si Ma’am Malou Choa-Fagar, na itinuturing na Mother of Eat Bulaga.
Taon-Taon tuwing nagse-celebrate ng kanyang birthday si Ma’am Malou ay dinaragsa talaga siya ng mga bisita na pawang malapit sa kanyang puso.
And this year, ang venue ng celebration ng Senior Vice President at COO ng Tape (Ma’am Malou) ay sa sosyal na Valencia Events Place na pag-aari ng kaibigan rin niyang si Mother Lily Monteverde.
At isa sa nagpasaya kay Ma’am Malou na kumanta sa kanyang party ay si Direk Bobot Mortiz, kaduweto ang anak na si Camille.
Ilan sa mga dumating na malalaking stars sa party ay sina Tirso Cruz III, Ali Sotto, Maila Gumila, Roderick Paulate. Nasa tipar rin sina Bibeth Orteza, mister na si Carlitos Siguion Reyna and son Rafa, Lorna Tolentino and sons Ralph and Renz, Maricel Soriano, Laurice Guillen and daughter Ina with her Italian boyfriend, Gina Alajar, Amy Austria with husband Duke Ventura, Pip’s wife Lyn and daughter Djanin, talent managers Dolor Guevarra, ang balikbayan na si Shirley Kwan and Veanna Fores, banker Danny Dolor, Viva’s June Torrejon and Lawrence Tan, Anna Pingol of Yes Magazine, Allan Diones ng Pak.
Tunay ngang maraming nagmamahal kay Ma’am Malou, na kailanman ay hindi pinagbago ng panahon. Hindi lang ‘yan, unfading rin ang minamahal naming executive at wala sa itsura niya ang kanyang edad kahit nadagdagan pa ng another 1 year last November 12.
From all of us here at Hataw D’yaryo ng Bayan and HATAW online, belated happy, happy birthday to you my dear MCF.