Dahil sa sanib-puwersang suporta ng buong pamilya at mga kaibigan ni Sylvia Sanchez at tulong ng press people na nagmamahal sa sikat na Kapamilya actress, lahat ng mga sumuportang viewers kay Sylvia sa “The Greatest Love” ay inabangan at pinanood nitong Lunes ang pilot episode ng kanyang bagong panghapong teleserye na “Hanggang Saan” kasama ang anak na si Arjo Atayde.
Kaya naman tulad ng naganap na Miss Universe 2017 na pumasok sa Top 10 ang pambato nating si Binibining Pilipinas Miss Universe Rachel Peters ay agad na nag-trending ang #HanggangSaanAng Simula. Nangako rin ang lahat ng supporters ni Sylvia na mula umpisa hanggang ending ay hindi sila bibitaw at magsasawang panoorin ang Hanggang Saan na napapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold.
Bukod kay Sylvia, kasama rin sa nasabing serye sina Yves Flores, Maris Racal, Ariel Rivera, Teresa Loyzaga, Ces Quesada, Junjun Quintana, Viveika Ravanes, Rubi-Rubi, Nikko Natividad, Mercedes Cabral, Sue Prado, Maila Gumila, Rommel Padilla at Sue Ramirez at marami pang iba mula sa GMO unit ni Ma’am Ginny Monteagudo-Ocampo sa direksiyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.
SHARON AT ROBIN
SUMABAY KINA
JULIA AT JOSHUA
SA PAGPAPAKILIG
SA “UNEXPECTEDLY
YOURS”
SA grand presscon ng “Unexpectedly Yours” ay kitang-kita pa rin ang “magic” ng tambalang Sharon Cuneta at Robin Padilla at nandoon pa rin ang kanilang chemistry.
Siguro dahil hanggang ngayon ay parehong tine-treasure nina Shawie at Binoe ang kanilang friendship na sabi nga ni mega ay kambal ang tawag niya sa favorite leading man.
Naging masaya ang presscon dahil sa walang sawang pambubuking ni Sharon sa sweetness nina Julia Barretto (gumaganap na anak niya sa UY) at Joshua Garcia sa kanilang set at sabi pa ay mag-boyfriend na raw.
Ito namang si Binoe ay komedyante ang mga hirit na wala raw puwedeng gumanap na aktor sa karakter niya kundi tanging siya lang daw. In fairness to him ay oo nga naman. Tungkol sa bigote niyang inahit ay kagagawan raw ni Direk Cathy. Wala raw siyang nagawa kundi iwan muna ang pagiging rebolusyonaryo.
Dagdag ng action star, hindi lang acting nila ang binabantayan kundi pati suot nila at itsura. Si Joshua, mas lalo ring ginawang guwapo ni Direk Cathy na “yummy” ang dating sa mga scene nila ni Julia.
Isang feel good movie ang Unexpectedly Yours, at siguradong magugustuhan ng lahat ng millenials. Sa pelikulang ito, gagampanan ni Sharon ang papel ng overbearing at overachieving na si Patty na unti-unting nawawalan ng kontrol sa mga bagay at mga taong mahalaga sa kanya tulad ng kanyang trabaho, pamilya, at sariling katawan, at anak na si Yanni, na gagampanan ni Julia.
Si Yanni ay isang passionate at determinadong babae. Ang kanyang relasyon sa kanyang ina ay may lamat dahil sa annulment ng kanyang mga magulang, na siyang dahilan kung bakit naiba ang kanyang konsepto sa pagpapamilya.
Gagampanan naman ni Robin Padilla ang adventurous at charming na si Cocoy. Ang pagiging mapagbigay ni Cocoy sa kanyang pamilya ang siyang dahilan kung bakit wala pa rin siyang asawa sa kabila nang maraming taon.
Iniidolo si Cocoy ng kanyang nakatutuwa, mapagbigay, at equally charming na pamangkin na si Jason, na ginagampanan ni Joshua. May gusto kay Yanni na kanyang sinusundan sa social media.
Karapat-dapat banggitin na ang Unexpectedly Yours ang pinakahihintay na reunion movie nina Sharon at Robin mula noong sila ay nagbida sa kanilang 2001 na pelikula — ang Pagdating ng Panahon.
Unang inantig ng ShaBin love team ang buong bansa, 26 taon na ang nakalilipas nang nagbida sila sa classic romantic-action comedy film na Maging Sino Ka Man, na pinasabog ang takilya noong 1991.
Ito rin ang ikatlong pelikula nina Julia Barretto at Joshua Garcia, na kilala din bilang JoshLia sa kanilang di mabilang na mga tagahanga. Unang nagtambal ang isa sa hottest Kapamilya love team sa blockbuster hit na Vince And Kath And James, na naging opisyal na entry ng Star Cinema sa 2016 Metro Manila Film Festival.
Ang tagumpay ng kanilang tambalan sa pelikula ang naging daan ng ikalawang full-length film — ang Love You to the Stars and Back, na ipinala- bas sa kalagitnaan ng taong ito.
Ang Unexpectedly Yours ay ikatlong pelikula ng direktor na si Cathy Garcia-Molina this year na ang smash hit Valentine movie na My Ex And Whys ang una, at ang katatapos na box-office triumph na Seven Sundays bilang ikalawa.
Minamarkahan din ng Unexpectedly Yours ang isa pang milestone sa stellar body of work ni Molina, sapagkat ito ang unang proyekto na nakatrabaho niya sina Julia at Joshua at maging ang Bad Boy ng pelikulang Filipino na si Robin at ng Megastar na si Sharon.
Maraming moviegoers ang nag-aabang na mapanood ang romcom movie na almost 2 million na ang views ng official trailer sa YouTube at punong-puno ang sinehan na pinagdausan ng red carpet premiere nitong Lunes sa SM Megamall Cinema.
Mapapanood ngayong November 28 (Wednesday) ang UY sa cinemas nationwide.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma