THANKFUL ang Starmagic artist na si Kira BaLinger sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng SMAC Productions para magbida sa A Lasting Love katambal ang SMAC artist na si Justin Lee na ipalalabas sa Enero.
Ayon kay Kira, “I’m thankful with SMAC Productions kasi binigyan nila ako ng pagkakataong magbida with Justin Lee.”
Kasama si Kira sa ASAP BFF’s with Loisa Andalio and other Starmagic talents.
Bukod sa pag-aartista, gusto ring sumali ni Kira sa mga beauty pageant sa tamang panahon.
Ilan sa mga hinahangaan niyang beauty queen ay sina Megan Young, Pia Wurtzbach, Shamcey Supsup-Lee atbp..
“Bata pa lang ako dream ko na maging beauty queen, kaya naman isa ‘yan sa gusto kong gawin at isa ‘yan sa dream ko na gusto kong matupad.
“Siguro ‘pag nasa right age na ako and gusto ko rin mag-training para mapaghandaan ang pagsali ko in the near future,” pagtatapos ni Kira.
MATABIL
ni John Fontanilla