QUEEN Mother Karla Estrada just turned 43 last Tuesday, November 21. Nangako ang singer/actress/TV host na magiging simple lang ang selebrasyon ng kanyang kaarawan ngayong taon.
Kaya naman bilang pasasalamat, nagbigay saya naman si Karla sa isang charity na nagpakain at nag-abot ng kaunting tulong.
Halos every year naman, tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan ay ginagawa ito ni Karla bukod pa sa sinusuportahan nilang dalawa ni Daniel Padilla na isang charity din.
Ganyan kalaki ang puso ni Karla pagdating sa pagtulong simula’t mula. Kahit noong mga panahong walang-wala siya sa buhay, pagtulong pa rin sa buong angkan ang nasa isipan. Kaya hindi nakapagtatakang after years of struggles ay biglang bumuhos ang biyaya sa kanila lalo na kay Daniel.
Hindi bumigay si Karla sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan. Never siyang napagod kundi ipinagpatuloy lang ang buhay at lumaban.
“Napakaraming biyaya ang dumating sa buhay natin Dom kaya dapat wala tayong reklamo at magpasalamat palagi!” bulalas pa ni Queen Mother.
“Bawal magreklamo. Masaya lang at kung mayroon mang dumarating minsan na mga problema, kapiranggot na lang ‘yun na hindi dapat iniinda kundi magpasalamat na lang. Wala naman akong ibang hiling pa, every birthday ko naman, ayan, nasa labas, nagsi-share tayo ng biyaya sa kapwa natin. Kilala mo naman ang sinusuportahan natin Lola, buong angkan! So, good health lang, happy lang! Ganoon lang!” tsika pa sa akin ni QM.
Sa ngayon palang ay inaabangan na ang pelikulang The Revengers na official entry ng Star Cinema ngayong taon para sa Metro Manila Film Festival.
Katrabaho niya rito sina Vice Ganda, Pia Wurtzbach, at Daniel.
Ayon kay Karla, kaaliw ang pelikulang ito at kaabang-abang talaga.
“Abangan din nila ang role ko rito sa movie. Maloloka sila! Kaaliw!” aniya.
CLIQUE 5, PROMISING
HINDI ko maiwasang purihin ang pinakabagong alaga naming Clique 5. Ang newest boy group na mina-manage ng 316 Events And Talent Management ni Len Carillo at Kathy Obispo. Kinabibilangan ito nina Clay, Marco, Josh, Karl, at Sean. May kanya-kanyang karakter ang limang guwapong bagets.
Ayon kay Ma’am Len, bago pa man tuluyang inilunsad noong Sabado, November 18 ang buong grupo, dumaan sa matinding training ang lima. Sinala nang husto pagdating sa voice lessons, acting and dancing workshop.
Tama nga naman si Ma’am Len, hindi biro ang mag-manage ng isang boy group kaya naman punompuno ng disiplina at pangaral ang mga bagets dahil para naman sa kanilang lahat. Walang ibang hangad ngayon ang management ng Clique 5 kundi ang makilala sila sa mundo ng showbiz at mabigyang pansin.
Mismong ako na ang magsasabing hindi ka ipahihiya ng mga bagets dahil sa Christmas single nilang may titulong Tuwing Pasko.
Mahugot man ang kanta, nabigyang buhay at tunog ito ng Clique 5 na isang original composition ni Joven Tan na siya ring nagdirehe ng kanilang music video.
Kaabang-abang din ang iba pang kanta na puro original composition na ilalabas na physical album ng Clique 5 early 2018.
Promising ang Clique 5 kaya naman noong launching nito ay may kanya-kanyang manok na ang mga dumalong entertainment media. Bongga!
PUSONG LIGAW,
NAKALILIGAW
NA ANG ISTORYA
HINDI ko po ugali ang manlait. Ito po ay personal kong pananaw lamang sa teleseryeng Pusong Ligaw.
I already posted sa aking Facebook account na naliligaw na talaga ako sa kuwento ng seryeng panghapon ng Kapamilya Network.
Noong una, ang sarap subaybayan ang kuwento knowing that magagaling na artista ang kasama sa serye. Hanggang nitong huling araw, nababaliw na ako dahil kung ano-anong stretching na lang yata ang ginagawa.
Hindi lang ako ligaw na ligaw sa kuwento, nililigaw talaga ako ng scriptwriter nito huh. Mabuti na lang, ‘yung buong cast, magagaling umarte kaya naman dalang-dala pa rin ako sa mga eksenang napapanood ko.
Ganoon din ang seryeng Wildflower ni Maja Salvador. Hindi matapos-tapos ang engkuwentro na sa una ay dalawang kampo at ngayon naman ay tatlo o apat na kampo na yata ang kalaban ni Ivy! Buwisit na ako huh!
Kailan ba matatapos ang bangayang ‘yan sa mga seryeng ito?
Pero ayon sa kasabihan, kapag nadadala ka sa mga eksena sa seryeng pinanonood, meaning, effective ang acting ng mga artista.
Hay naku! Ewan! Malamang sa alamang!
ANO KAYA
ANG MAGIGING
ANAK NINA ELLEN
AT LLOYDIE?
REAKSIYON ko lang sa isyung Ellen Adarna at John Lloyd. Buntis nga ang controversial celebrity at maselan ang pagbubuntis.
Sabi ko sa sarili ko, sa wakas, for real na ba ito Ellen? Wow! Congrats John Lloyd! At least, napapanahon na rin sigurong lumagay muna sa tahimik ang aktor at si Ellen.
Since marami naman silang naipundar especially John Lloyd, abay napapanahon na para magkaroon siya ng sariling pamilya. Napapanahon na rin siguro na bigyang oras ni Lloydie ang kanyang pribadong buhay and then comeback kapag ready na ulit siyang sumabak sa showbiz.
‘Yun na. Ano kayang magiging panganay na anak nina Ellen at JLC? Lalaki o babae? Hulaan natin!!!!
REALITY BITES
ni Dominic Rea