Saturday , November 16 2024
prison rape

Estudyante arestado sa rape

ARESTADO sa mga pulis ang isang 22-anyos estudyante sa kolehiyo makaraan ireklamo ng panggagahasa ng isang event coordinator sa loob mismo ng bahay ng suspek sa Navotas City, kamakalawa ng madaling-araw.

Isinailalim muna sa medical examination sa Navotas City Hospital ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-2) ang suspek na si Roy Benson Roldan ng Kapalaran St., Brgy. Daanghari, Navotas City, bago dinala sa Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) upang imbestigahan.

Batay sa ulat ni PO1 April Lyn Bravo ng Navotas Police WCPD, nangyari ang panghahalay dakong 4:00 ng ma-daling-araw sa loob ng bahay ni Roldan.

Natutulog umano ang biktimang itinago sa pangalang Digna nang magising siya nang dumating ang lasing na suspek.

Sa pamamagitan ng pananakot, sapilitang hinubaran ng suspek ang biktima at pinagsamantalahan.

Makaraan ang panghahalay, agad nagtungo ang biktima sa Navotas PCP-2 upang maghain ng reklamo na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Hindi binanggit sa ulat ng pulisya kung bakit natutulog sa bahay ng suspek ang biktimang residente sa Brgy. Panghulo, Malabon City.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *