Monday , December 30 2024

Hanggang Saan ni Sylvia Sanchez, simula na ngayong hapon!

MAGSISIMULA na ngayong araw (November 27) ang Hanggang Saan, ang bagong TV series na tinatampukan ng premyadong aktres na si Ms. Sylvia Sanchez. Sasagutin sa seryeng ito kung hanggang saan ang kayang gawin ng isang ina para sa pagmamahal sa kanyang anak.

Matapos mahalin ng madla si Ms. Sylvia bilang si Gloria sa The Greatest Love, muli si­yang mapapanood ng televiewers bilang si Sonya, isang matapang na nanay na kayang gawin ang lahat ng sakripisyo para sa mga anak.

Sa unang tingin, isa lamang pangkaraniwang pamilya ang tahanan ni Sonya. Ngunit mag-iiwan ng maraming katanungan ang kanyang kuwento dahil hindi tulad ng nakasanayang kasaysayan ng mga ina, madadawit si Sonya sa isang krimen upang maipagpatuloy ang buhay ng nag-aagaw-buhay niyang anak.

Paano niya ide-describe ang role sa Hanggang Saan at anong klaseng teleserye ito?

Saad ng award-winning actress, “Isang nanay na lahat ay gagawin para sa anak, matapang, palaban, bubbly… iyan ang character ko rito bilang si Sonya.”

Ano po ang kaibahan ng Hanggang Saan sa The Greatest Love? “Sa TGL, ipinakita kung hanggang saan kayang tiisin ng ina ang mga anak. Ganoon ‘yong character ni Gloria. Si Sonya naman sa ser­yeng Hanggang Saan, ipakikita kung  hanggang saan at ano ang kayang gawin ng isang ina para sa kanyang anak.

“Bale sa dalawang ser­yeng iyon, ipinakita ang dalawang magkaibang mukha ng ina,” esplika ni Ms. Sylvia.

May pressure po ba sa part n’yo na mas mahigitan ang inyong ginawa sa TGL? Kasi, sobrang pumutok ang name na Sylvia Sanchez sa TGL?

Esplika niya, “Wala, kasi hindi ko naman pinangarap na mahigitan ang TGL o ‘yung character ni Gloria, iba iyon! Mas may pressure sa akin doon sa part na maiba ko si Sonya kay Gloria.

“Kasi kung iisipin kong mas mahihigitan ay hindi tama iyon, puwede kasing maapektohan ang acting ko, kasi ay iyan at iyan na lang ang iisipin ko. Basta ako, sigurado akong tatatak ang pangalang Mama Sonya sa televiewers.”

Kasama rin sa Hanggang Saan sina Arjo Atayde, Sue Ramirez, Teresa Loyzaga, Ariel Rivera,  Yves Flores, Maris Racal, Marlo Mortel, Nikko Natividad, Rommel Padilla, Arnold Reyes, Maila Gumila, Junjun Quintana, at iba pa. Ito ay sa direksiyon nina Mervyn Brondial at Jeffrey Jeturian.

Panoorin Hanggang Saan, tuwing hapon pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable 167). Para sa updates, mag-log on lang sa fb.com/hanggangsaan at i-follow ang @hanggangsaantv sa Twitter at @hanggangsaan sa Instagram.

FIL-AM HOLLYWOOD
ACTOR NA SI ABE
PAGTAMA, HAPPY
SA SUCCESS
NG 2nd LAPIFF

NAGING matagumpay ang Los Angeles Philippine International Film Festival (LAPIFF) na ginanap several weeks ago.

Ilan sa nanalo rito ang Kapuso comedienne na si Ai Ai delas Alas, Best Actress para sa pelikulang Area ng BG Productions ni Ms. Baby Go. Tabla sa Best Actor sina Arnold Reyes (Birdshot) at Tommy Abuel (Dagsin). Best Picture ay tie din ang Birdshot at Imbisibol. Best Director si Mikhail Red (Birdshot).

Ipinahayag ng LAPIFF founder na si Sir Abe Pagtama na masaya siya sa outcome nito this year. Ngunit wish ni­yang sa susunod ay mas marami pa silang makuhang sponsor at suporta. “Yes, I am happy with the outcome because we have more people watching. But I’m not happy financially, we work so hard, but sponsorship is still hard to get. Without sponsorship, we won’t be able to continue doing this, because technically this is a non-profit endeavor.”

Nagpasalamat din siya sa suporta ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) head na si Liza Diño sa LAPIFF. “Regarding Ms. Liza Diño-Seguerra, it was her decision to skip the closing ceremony of Tokyo International Film Festival to attend to our Award’s Night because of her advocacy in promoting Filipino diaspora movies to the Filipino community outside the Philippines. I guess she believes we are doing a good job in LAPIFF in doing this,” wika ni Sir Abe.

Si Sir Abe ay abala ngayon sa mga project niya sa Filipinas at Hollywood. Bukod sa pagbibida sa Lolo Pepe na isang Indie Hollywood short film, bahagi rin siya ng pelikulang Stateside na pinagbibidahan ni Mon Confiado. Nakatakda niyang gawin ang Lumpia Part-2 sa US. Kasali si Sir Abe sa pelikulang Broken Hallelujah ni Direk Roland Sanchez.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *