MAKATARUNGAN ang pagkakadismis ng kaso laban kay dating commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa P6.4 billion shabu shipment kamakailan.
Si Faeldon at iba pang dating Customs officials ay inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors dahil sa kawalan ng probable cause o sapat na kadahilanan para sampahan sila ng kaso sa hukuman.
Naaayon lamang sa sentido-kumon ang pagkakabasura ng DOJ sa inihaing kaso ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban kay Faeldon at mga dating opisyal ng Customs.
Ang nakapagtataka nga, kung bakit isinama sa kasong kriminal na isinampa ng PDEA sina Faeldon gayong ni katiting ay wala naman silang direktang partisipasyon sa pagpasok ng nasabat na kontrabando sa bansa.
Sa inilabas na resolusyon ng DOJ panel na pinamunuan ni Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes:
“Further, the evidence adduced by the PDEA in support of the charges were insufficient to establish probable case. Thus, the Panel is constrained to take into consideration the defense raised by the respondents.”
Kung paniniwalaan nga naman ang inihaing reklamo laban kay Faeldon at sa mga dating opisyal ng Customs, lahat ng opisyal at mga empleyado ng pamahalaan sa sangay ng ehekutibo ay dapat kasuhan, kasama na ang PDEA.
Para na rin sinabi na dahil may shabu sa mga lansangan ay dapat kasuhan din ang buong Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at lahat ng nasa law-enforcement service.
Ibinasura rin ng DOJ panel ang mga kaso laban kay Emily Anoche Dee na nagpapaupa sa property na nagsilbing bodega na ginagamit sa illegal drugs trade ng mga hinayupak na Tsekwang kasabwat ni Mark Ruben Taguba na kilalang broker cum smuggler sa Customs
Pero no bail o walang piyansa ang inirekomendang kaso ng DOJ panel of prosecutors laban sa lahat ng may kinalaman sa pag-aangkat at pagpasok ng 602-kilos ng shabu na nasabat noong Mayo sa Valenzuela City.
Tama naman na sampahan ng kaso ang mga direktamenteng konektado sa trafficking of illegal drugs na sina Chen Ju Long alias Richard Tan or Richard Chen; Li Guang Feng alias Manny Li; Dong Yi Shen Xi alias Kenneth Dong; Mark Ruben Taguba II, Eirene Mae Tatad, Teejay Marcellana, Chen Min, Jhu Ming Jhun at Chen Rong Huan.
“In finding probable cause against the above-named respondents for the importation of 602 kilograms of shabu, the Panel determined that the combination of the individual participation of each of the respondents, either as shipper, consolidator, facilitator, broker, financier, consignee or warehouse lessee – reveals a pattern of overt acts indicative of conspiracy to import into the country the dangerous drugs.”
Harinawa ay mabulok sana sa bilangguan si Taguba at ang mga hinayupak na kasabwat niya na nagpapakalat ng ilegal na droga sa bansa.
Ngayong absuwelto na sa kaso si Faeldon, ano’ng kapangyarihan mayroon ang mga berdugong senador na abusado sa kapangyarihan para siya patuloy na ikulong sa Senado?
Matapos maabsuwelto, ano pa ngayon ang kailangan sagutin ni Faeldon sa mga itinatanong sa kanya ng mga nagdidiyos-diyosang senador para bigyang katuwiran ang patuloy na pagkarsel ng Senado sa kanya?
Kaya raw pala ‘pag may roll call sa senado ay hindi magkandatuto ang mga senador kung present o guilty ang kanilang isasagot.
Hahaha!!!
TECHNICOLOR PALA
KUNG MANAGINIP
SI GEN. DANNY LIM
NATAWA tayo sa panawagan ni dating coup plotter at ngayo’y Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Gen. Danilo “Danny” Lim sa metro mayors na ipatupad ang No Smoking Ban.
Akalain n’yong maisipan ni Gen. Lim ang mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa laban sa paninigarilyo kaysa atupagin ang pagbuwag sa lahat ng uri ng obstructions sa mga lansangan na sanhi ng pagsikip ng trapiko, tulad ng mga illegal terminal at illegal vendors.
Baka naman napanaginipan lang ni Gen. Lim na kung ‘di man siya concurrent ay baka nangangarap siya na maging kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ang hirap kay dating Army Scout Ranger Gen. Lim, sa sobrang sipag ay pinakikialaman kahit hindi niya trabaho.
Aba, technicolor pala kung managinip si Gen. Lim, hehehe!
(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])