Friday , October 4 2024

Mga ngiti sa mata ni Kris, bumalik na

PINATOTOHANAN ni Kris Aquino na maganda ang epekto ng pagiging positibo niya. Bukod kasi sa sunod-sunod na pagdating ng maraming trabaho, napansin niyang bumalik na rin ang saya o ngiti sa kanyang mata.

Hindi ba’t sa mata nakikita kung masaya o malungkot ang isang tao?

Hindi rin naman love lang ang nagpapasaya sa isang tao.

Sinabi ni Kris na lumaban siya para makamit ang mga ngiting iyon. Na alam naman nating marami siyang pinagdaanan. At ang kabayaran niyon ay ang tinatamasa niyang kaligayahan ngayon. Na siyempre’y naging posible iyon dahil na rin sa suporta ng mga mahal niya sa buhay lalo na ng kanyang mga anak na sina Bimby at Josh gayundin ng mga kapatid niya. At siyempre ang pagiging madasalin niya.

Hindi na nga kailangan ng anumang apps para lang makita ang mga ngiting iyon dahil natural na lumalabas. At hindi rin kailangan ng isang partner para manumbalik ang masayang aura ng Queen of All Media.

Kaya naman sa kanyang post sa Instagram account niyang @krisaquino kasama ang kanyang magandang larawan, nasabi niyang,”i just blurred my surroundings but pretty much just zoomed in on my reflection, because while looking at my face i noticed- the smile is back in my eyes so i won’t use an app to remove my eyebags… i fought hard to be able to do this- smile again naturally, from my heart- not just from discipline or because i was in front of people… this was actually a quick picture taken after a full day of work. My necklace is called the “Circle of Love”- i’ve been loved & i’m continued to be loved by so many who really prayed & supported me to bring this smile back. So this is a very grateful me sincerely saying, eyebags and all- THANK YOU FOR GIVING ME SO MANY REASONS TO SMILE AGAIN. d’þd’þd’þ

COCO, PINAGDUDAHAN
ANG SARILI; KAALAMAN
NI LITO, IBINAHAGI

INAMIN ni Coco Martin na nagkaroon siya ng pag-aalinlangan sa sarili kung kaya niya bang magdirehe ng pelikula.

Matagal nang natapos ni Coco ang pagdidirehe ng Ang Panday, isa sa entry sa 2017 Metro Manila Film Festival na mapapanood na sa December 25, handog ng CCM Productions, Star Cinema, at Viva Films. Hindi lang aktor at creative ang tinutukan ng aktor dahil siya rin ang direktor nito.

Aniya, “Lahat naman tayo everytime may papasukan tayong isang bagay, nagkakaroon tayo ng pagtatanong sa sarili kung kaya ba natin? Lalo na ‘yung first day ko. Andoon ako kapag gumagawa ng pelikula, teleserye. Andoon ako na nagbibigay ng suhestiyon, nagga-guide sa creatives.

“Pero iba kapag nakapatong na lahat sa balikat ko ang lahat ng bagay,” paglalahad ng aktor.

“Na kapag nagkamali ka riyan, desisyon mo ‘yun. Na kumbaga, ‘basta kami kung ano ang nasa isip mo, nasa vision mo, susundin namin iyon.’

“And then, ang mahirap pa sa akin, malakas ang loob ko eh. Sabi nga nila kapag pinilit ko na gawin ang isang bagay na simple, hindi ako kuntento.”

Naikuwento ni Coco ang first day of shooting ng Ang Panday na ginawa nila sa Divisoria.

“First day ko big action (na gagawin sa Divisoria).’Yun ang kauna-unahan kong araw. Parang  (naitanong sa sarili) paano ka magsu-shoot dito sa gitna ng Divisoria.? Eh bilang ako, eh ipinanganak sa indie, at the same time na-focus ako sa mainstream. Hati ako. Kumbaga, ‘yung mga natutuhan ko gusto ko ngayong ilabas.

“Sabi ko mangyayari ‘yan.  Lahat nga hindi naniniwala sa akin. Kasi naman sa rami ng tao sa Divisoria, sa gitna niyon, paano ako magsu-shoot doon? Eh ayoko pa naman ng set-up. Ayoko ng parang pinroduction ‘yung bawat palengke, o ‘yung inayos.”

Kaya naman lakasan ng loob ang ginawa ng grupo ni Coco at naisakatuparan ang pagsu-shoot sa gitna ng Divisoria. “Itinuro ko ang strategy kung paano gagawin kasi nga sabi ko kay Brillante Mendoza ako galing, ang mindset namin, walang imposible dapat laging posible. Eh sabi ko gusto ko makita totoo. Gusto ko kapag nakita ng mga tao lahat totoo na hindi dinaya. And na-survive ko iyon and the next day, tinanong ko na naman sarili ko, kaya ko ba ito?

“Na-survive ko rin naman hanggang sa natapos at natapos ko na. Kaya ayun para talaga akong dumaan sa butas ng karayom.

Hindi rin ikinahiya ni Coco na marami siyang hiningan ng payo para sa kanyang first directorial job.

“Marami akong hinihingan ng guidance. Kasi kailangan ko iyon eh. Si Direk Brillante lagi kaming nag-uusap sa pamamagitan ng text at phone.Lagi niya akong pinapangaralan lalo na sa technical side. Pagdating naman sa characterization, mga artista, si Direk Malu Sevilla naman. Sa fight scene andyan naman si Direk Toto Natividad, Direk Abel.

“At talagang nag-guide sa akin over all si Lito Lapid dahil talagang gina-guide niya ako.”

Sobra-sobra nga ang pasasalamat din ni Coco kay Lito Lapid dahil aniya, “Roon ko nadiskubre na napakabait niyang tayo pati po ang anak niyang si Mark Lapid. Kasi ang sarap sa pakiramdan na ang isang tao hindi naman kami ganoon kakilala at nagkasama lang sa isang trabaho na ako pa ang lumapit sa kanya para huhingi ng tulong na suportahan ako sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ dahil may maganda akong konsepto.

“Alam n’yo one time sinabi niya ‘at least andito pa ako, malakas pa ako. May time pa ako para ituro sa iyo.’ Bukal sa puso niya na lahat ng kaalaman niya isine-share niya.”

KAMPANYA
VS HIV/AIDS,
ILULUNSAD

112417 Battle in the Blood BitB Emmanuel Baja

INILABAS na ang official artwork ng Battle in the Blood, isang digital advocacy gaming application, na si Dr. Emmanuel S. Baja, research associate professor, ang creative director at si Ernest Genesis naman ang art director.

Ang artwork ay nagpapakita ng mga attack at defense mode icons ng HIV. Si Baja ay isang DOST ‘Balik’ Scientist at Principal Investigator of the HIV Gaming, Engaging, and Testing (HIV GET Tested) Project from the Institute of Clinical Epidemiology, National Institutes of Health, University of the Philippines Manila.

Ang BitB ay idinisenyo para hikayatin ang mga tao na sumailalim sa HIV testing at counselling. Ang naturang app ay ilulunsad kasabay ng World AIDS Day sa Dec. 1, isang okasyon na magpapaalala sa mga tao na sugpuin ang HIV/AIDS at gunitain ang mga taong namayapa na nang dahil sa sakit na ito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine enjoy sa bagong laro ng BingoPlus na Pinoy Drop Ball

RATED Rni Rommel Gonzales SI Maine Mendoza ang celebrity endorser ng Pinoy Drop Ball na bagong larong in-introduce ng BingoPlus kaya …

Rhian Ramos Sam Verzosa

SV hindi gagamitin si Rhian sa politika

MATABILni John Fontanilla AYAW patulan ng TV host (Dear SV) at Tutok To Win Partylist Representative Sam SV …

Sam Verzosa SV Driven To Heal

Sam Verzosa taos sa puso ang pagtulong

I-FLEXni Jun Nardo NAKALULULA ang presyo ng mga mamahaling luxury cars ng businessman and TV …

Alfred Vargas

Alfred napagsasabay pag-aaral at pag-arte

I-FLEXni Jun Nardo PINAGSASABAY ni Konsehal Alfred Vargas ang pag-arte at pag-aaral. PHD naman ang hangad niyang …

Elias Modesto Cruz John Lloyd Cruz Ellen Adarna

Anak nina Lloydie at Ellen na si Elias pinagkaguluhan

HATAWANni Ed de Leon VIRAL ang picture ng napaka-cute na si Elias Modesto Cruz, anak ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *