SA araw na ito, walong taon na ang nakalilipas nang maganap ang madugong Maguindanao massacre.
Umabot sa 52 katao ang pinaslang na kinabibilangan ng 32 mamamahayag.
Hanggang ngayon, hindi pa tapos ang kaso. Hindi nakapagtataka dahil sa 100 mahigit na akusado, ilan pa lamang ang naisasalang sa paglilitis.
Marami na rin ang mga nangamatay sa mga akusado.
Sa araw na ito, hinihiling ng inyong lingkod sa ating mga katoto na ipagdasal natin sila at hilingin na sana’y makamit na nila ang katarungan.
Huwag na sanang maulit ang mga eksenang pasigaw-sigaw at pataas-taas ng kamay at kamao pero hindi natin alam kung talagang nakatulong sa pamilya ng mga biktima.
Sa ika-walong death anniversary ng mga biktima ng Maguindanao massacre, magsama-sama tayong hilingin na sana’y makamit na nila ang katarungan.
Kapag nangyari iyon, doon lang natin masasabi na, they really rest in peace.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap