NGAYONG isa nang ganap na Kapuso si Matt Evans, inusisa namin ang talented na aktor kung ano ang ini-expect niya sa kanyang career ngayong nasa GMA TV Network na siya.
Saad ni Matt, “Looking forward po ako sa mas challenging roles. Saka sitcoms po, kasi ay sobrang saya ko po noong nag-guest ako sa Pepito Manaloto.”
Idinagdag ni Matt na hindi naman siya nahirapan sa paglipat ng bagong TV Network, pero aminado siyang nanibago at kinabahan sa hakbang niyang ito. “Hindi naman po mahirap, naninibago lang po at kinakabahan at siyempre ay excited din. Kasi first time ko makakatrabaho sila Ruru (Madrid) at ito rin po ang kauna-unahang teleserye ko po sa GMA.”
Si Rams David ang bagong manager ni Matt nang natapos ang kontrata ng actor sa Star Magic.
Marami raw mami-miss si Matt na mga dating kasama sa ABS CBN, pero wala raw magbabago sa closeness at friendship nila kahit nag-ober da bakod siya sa kabilang estasyon.
“Ang mami-miss ko po sa ABS CBN, sobrang dami po nila. Mga kapatid ko sa The Greatest Love, sina Gerald (Anderson) at mga nakasama ko sa PBB, marami po. Lahat sila, siyempre kasama si Nanay Sylvia. Pero masaya ako na kahit nasa GMA na po ako, nakakausap ko pa rin sila at nakakasama. Si Nanay Sylvia nakakasama ko lagi dahil sa Beautéderm. At kapag may oras naman, nagkikita kaming Alegre family ng TGL.
“Actually si ate Dimples (Romana) and family, naka-bonding ko sandali sa Hong Kong. Kahit nasa GMA na po ako, walang magbabago po. Pamilya pa rin po kami,” wika ni Matt.
Si Matt, tulad ni Ms. Sylvia ay top endorser ng BeauteDerm na pag-aari ng mabait na businesswoman na si Ms. Rei Ramos Anicoche Tan. Madalas nagkakasama sina Matt at Ms. Sylvia sa mga event at activities ng BeauteDerm.
Ipinahayag ni Matt ang kagalakan sa successful na opening sa Cebu ng BeauteHive by BeauteDerm. ”Tito ito nga po at nagkakasayahan pa po at sobrang successful ng opening po. Sobrang nakakatuwa lang talaga, kasi sunod-sunod po ang blessings ng BeautéDerm. Tapos nakatutuwa po at sobrang pinaghandaan talaga nila ‘yung opening dito. Iba talaga din tumanggap ng bisita ang mga Cebuano, nakatataba po ng puso, ‘di po namin akalain na marami po talagang mag-aabang.
“Sobrang saya po ng opening at saka lalo na si Nanay (Sylvia), wala pong pagod at partida, may sakit pa po ‘yun, ha. Kay Mam Rei naman po, ang masasabi ko sa kanya, saludo ako at pagmamahal po para sa kanya. Kasi, sobrang hardworking po talaga siya at higit sa lahat mahal niya po ang ginagawa niya. Kaya nga po pati kami ay nahahawa na rin sa pagiging workaholic niya. Hahaha!”
KIRAY, KYLINE
AT KLEGGY BAND,
PANGUNGUNAHAN
ANG KKK BENEFIT
CONCERT
MAKISAYA sa mga paboritong artista at making sa mga awit para sa mga kapatid nating may kapansanan. Magaganap ito sa KKK benefit concert, tampok sina Kiray, Kyline at Kleggy band. Ito’y hatid ng GEMS multimedia events & production Incorporated.
KKK stands for Kiray, Kyline at ang banda ni Kleggy na ka-back to back ni Jireh Lim. Ayon kay Rich Salas na isa sa executive ng GEMS, “Layunin po ng event na makatulong sa mga kaibigan nating may kapansanan para sa kanilang pang-therapy at iba pang gastusin para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi lang po ito entertainment, bagkus ay makakatulong po tayo sa mga kaibigan nating may mga kapansanan sa Office of the Persons With Disability-Public Affairs Ministry (POPWD–PAM) na mga taga-Quezon city.”
Saad ni Rich, “KKK ang twist dahil sunod na araw po ang Bonifacio Day and kagaya ni Andres Bonifacio na isang bayani, maituturing din po nating mga bayani ang mga kapatid nating may kapansanan dahil kahit sila ay may mga kapansanan, sila’y mapapakinabangan pa rin ng ating lipunan sa kanilang mga ipinakikitang mga talent.
“Nag-aanyaya po kami sa inyo na tangkilikin ang concert na ito na makatutulong sa kanila at invited po ang ilan sa ating mga matutulungan na mga kabataang may kapansanan sa naturang konsiyerto.”
Kabilang din sa magpe-perform dito sina Loren Burgos, Alliyah, G2B Boyband.
Nariyan din ang mga GEMS artists na sina Jemina Sy, Michael Diamse, Joseph Tuazon, Dominic Ramos, Clara del Rosario, VJ Mendoza, Mackzene Sanchez, Hyannah Estanislao, Allen San Miguel, at iba pa.
Mapapanood ang KKK benefit concert for persons with disability sa November 29, Wed, 8pm sa Laffline Timog. For ticket inquiries, call/text 0995-2877243 look for Ms. Bevz.