Tuesday , October 15 2024

Hiling ng Pinoys: Philippine consulate sa Texas muling buksan

HOUSTON, Texas – Dapat muling buksan ng Department of Foreign Affairs ang Philippine consulate sa lungsod na ito upang tugunan ang pangangailangan ng lumalaking populasyon ng mga Filipino sa Texas, ang pangalawa sa pinakamalaking estado ng Estados Unidos kasunod ng Alaska.

Ito ang nagkakaisang pananaw ng mga Filipino expatriates na naninirahan sa Houston na hindi makapag-renew ng kanilang pasaporte sa nakaraang ginanap na outreach program ng Los Angeles consular office ng Filipinas, na may hurisdiksiyon sa ika-apat na pinakamalaking lungsod na ito sa US.

Partikular na nanawagan ang Filipino expatriates kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na apurahin ang planong muling pagbubukas ng consular office sa Houston.

Punto nila, daan-daang mga Filipino ang hindi nakapag-renew ng kanilang lumang pasaporte o hindi naproseso ang kanilang application for dual citizenship bunsod nang limitadong panahon na inilaan ng consular office sa kanilang outreach program.

“Kulang po ang oras at hindi sapat ‘yung ibinigay na panahon para mag-register sa website ng consulate para sa appointment lalo na sa tulad kong single mom,” ayon kay Aling Lydia, 48, na nagsikap ma-renew ang pasaporte ng kanyang 68-anyos ama.

Isa pang expat, sinabi ng 67-anyos na si Lory Manta, hindi siya nakakuha ng appointment para sa passport renewal sa kabila nang tatlong pagtatangka na gawin ito sa website ng consulate. “Ang hirap pong kumonek (sa website),” ayon kay Aling Lory.

Sinabi ni Fil-Am rapper at hip-hop artist Jim Narvios, kilala rin bilang si “Rocko Stedy,” maraming improvement na dapat ipatupad sa mga serbisyong alok ng consulate. Halimbawa, may kakulangan sa impormasyon kung ano ang dapat gawin ng mga hindi nakakuha ng schedule sa website ng consulate.

Ipinunto rin niya ang kakulangan ng “hospitality and warmth” sa panig ng ilang consular staff.

“They did not give us any alternative. All they said is we have to register in the website,” ayon kay Narvios.

Bukod sa muling pagbubukas ng consulate, iminungkahi rin ng Houston based expatriates na magtayo ang National Statistic Office of the Philippines ng extension office sa US upang mag-facilitate ng pag-iisyu ng NSO authenticated birth or death cerfiticates.

“Transacting business with the NSO in the Philippines from here is taxing and it takes too long a time to send an authenticated document from here (the Philippines) to here,” sinabi ng isa pang expatriate na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Dating mayroong Philippine consulate sa Texas ngunit isinara noong 90s bunsod ng mababang bilang ng mga Filipino expatriates sa nasabing bahagi ng US.

Ngunit magmula noon, ang bilang ng mga Filipino na naninirahan sa southern state ay tumaas na. Sa kasalukuyan, tinatayang mayroong 200,000 Filipino, karamihan ay mga doktor, nurses at guro, ang naninirahan sa Texas.

About hataw tabloid

Check Also

101324 Hataw Frontpage

Premyadong manunulat desmayado sa mandatong pagbasura sa MTB-MLE

HATAW News Team LABIS na ikinadesmaya ng isang premyadong makata at manunulat ang mandato na …

Mas maraming ‘4Ps students’ nakikinabang sa tertiary education subsidy — Gatchalian

PINURI ni Senador Win Gatchalian ang pagdami ng mga benepisaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) …

Bato dela Rosa Kerwin Espinosa

Sa rebelasyon ni Espinosa  
‘BATO’ MATIGAS NA ITINANGGI, ‘DEADMA’ VS QUAD COMM

MARIING pinabulaanan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng akusasyon laban sa kanya …

EJK Victims

Hustisya para sa mga biktima ng EJKs hangad ng QuadComm – Chair Barbers

NANGAKO ang Quad Committe ng Kamara de Representantes na tutulong sila para maigawad ang hustisya …

Francis Tol Tolentino Bacoor Cavite

Para sa mga liblib na lugar  
INTERNET SERVICES COOPERATIVE TARGET NI TOLENTINO

NAIS masolusyonan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang problema sa kawalan ng internet connection …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *