Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
aldub alden richards Maine Mendoza

Alden, ‘di dapat dinidiktahan ng fans

UNFAIR naman para kay Alden Richards ang ginagawa ng ilang mga tagahanga na mistulang dinidiktahan ang actor para amining sila na nga ni Maine Mendoza.

Minsan kasi may uminterbyu kay Alden at noong saguting hindi naman niya girlfriend si Maine, animo’y bulkang sumiklab ang galit ng fans na fabor kay Maine.

Mauunawaan naman si Alden kung magsabing hindi nga sila magsyota ng dalaga dahil baka magalit iyon kung wala naman palang katotohanan.

Sa totoo lang, ang mga tagahanga ay dapat humanga lang sa paborito nilang artista at hindi dapat makialam sa personal na buhay. Hindi poi sang laruan ang mga artista. May sarili silang damdamin kaya hindi dapat pinangungunahan.

DEREK RAMSAY,
BALIK-KAPAMILYA NA

MARAMING manghuhula ang nasira sa haka-haka na goodbye na forever si Derek Ramsay sa Kapamilya dahil sa paglipat nito noon sa TV 5.

Walang project ngayon si Derek sa TV 5 kaya marahil naipasyang bumalik sa Star Cinema para makasama sina Bea Alonzo at Paolo Avelino para sa pelikulang Kasal.

Mahirap ang walang gaanong project dahil posibleng makalimutan siya ng fans. Mabuti na lang may mga commercial si Derek kahit paano nakikita pa rin siya.

JASON, INIWAN
NA SI MELAI

LUMIPAT na pala si Jason Francisco sa Kapuso Network at iniwan na si Melai Cantiveros sa Kapamilya Network.

Mahirap nga namang wala siyang trabaho gayung may baby na sila. Sabi nga, where the grass is greener doon dapat pumunta.

DAWN ZULUETA,
EXCITED SA MMFF

FIRST time mapasali ni Dawn Zulueta sa MMFF kaya excited siya sa movie nila ni Vic Sotto.

Matagal-tagal ding hindi umaapir sa movie si Dawn.

Nagkasama na sila ni Vic noon sa pelikula pero ngayon lang mauulit.

CO-HOSTS
NA MGA KOMEDYANTE
NI WILLIE, MALAKING
TULONG SA WOWOWIN

MALAKING bagay sa Wowowin ang mga komedyanteng co-host ni Willie Revillame.

Sa pagkawala ng ilan sa mga komedyanteng co-host, may mga nagtatanong kung bakit kung kailan magpa-Pasko, at saka naman nagkawalaan ang mga ito.

***

HAPPY birthday sa mga November born stars tulad nina Gov. Vilma Santos, Janice de Belen, Glenda Garcia, Atty. Ferdinand Topacio, Rowena Agilada, Amanda Amores, Roger Calvin, at Boy Villasanta.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …