Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay at Mikay, patuloy ang paghataw ng showbiz career

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng dalawang talented na batang sina Kikay at Mikay. Kaliwa’t kanan kasi ang kanilang projects. Bukod sa mga show at pelikula, katatapos lang mapanood ng dalawang bagets sa Pambansang Almusal Net25 at Pinas FM 95.5.

“May mga nakaabang din na pelikula sina Kikay at Mikay na hindi pa puwedeng banggitin o sulatin. Recently din, ang pelikula nilang Sikreto Sa Dilim ni Direk Mike Magat mula RM8 Films Movie Productions ni Mr. Ramon Roxas ay nakapasok sa International Film Festival Manhattan New York.

“Iyong new movie nila, hindi pa puwedeng isulat, maybe by January ang shoot nito Tito. Sa December 18 naman ay mapapanood po ang Kikay at Mikay sa Icon Hotel, grand launching ng Fil Alemania under ni Ma’m Peria at sir Gunter from Germany. Guest din sila sa isang big event sa December 22 show sa Tanghalang Pasigueño, and ‘yung ibang sched nila ay hindi ko pa po alam ‘yung date.

“Sa January 2018, nakapasok sila sa Asia’s New Top Model Face, hoping kami Tito na masungkit nila ang grand winner dito,” saad ni Mommy Diane.

Enjoy ba kayo kapag nagpe-perform sa mga mall shows? “Yes po masaya po kami, lalo na after ng shows ay nagba-bonding po kami ng ibang artists na kasama namin. Tapos po ay papasyal kami, gagala po,” nakatawang saad ni Mikay.

Wika naman ni Kikay, “Happy po kami talaga kapag nagpe-perform or uma-acting sa harap ng camera. Hilig po kasi namin ang pag-aartista at pagkanta kaya enjoy po kami talaga. Thankful po kami kay Papa God sa mga blessings na ito.”

SMOKEY MANALOTO,
SALUDO KAY SYLVIA
SANCHEZ BILANG
KAIBIGAN AT AKTRES

HINDI maitago ng veteran actor na si Smokey Manaloto ang kanyang saloobin sa patuloy na pagdating ng magandang kapalaran sa BFF niyang si Ms. Sylvia Sanchez. Saad ni Smokey, “Natutuwa ako kasi nagbubunga na lahat ng pagsisikap na ginawa niya, simula nang nag-uumpisa pa lang siya sa pag-aartista.

“Kasi, alam ko ang hirap din na pinagdaanan ni Sylvia, pagdating sa career niya. Maraming tao ang hindi sumeryoso sa kanya noon, pero ngayon na maganda na ang itinatakbo ng karera niya, marami nang tao ang naniniwala sa talent niya. Kaya proud ako sa mga tinatamasa at narating na ng kaibigan kong iyan, tulad nito na bida na siya sa pelikulang ‘Nay, na naiibang horror movie naman.”

Saludo ka ba sa talent niya?

Mabilis na tugon ni Smokey, “Oo naman, noon pa lang ay hanga na ako sa galing ni Sylvia.”

Ipinahayag ni Smokey na ang pagkakaibigan nila ay tunay talaga at hindi lang pang-showbiz. “Parang magkapatid na kami e, kulang na lang ay lumabas kami sa iisang nanay. Magkaramay kami lagi… basta close kami talaga na kulang na lang ay maging isa ang dugo namin, e,” nakangiting wika ng actor.

Ano’ng klaseng kaibigan si Ms. Sylvia? “Mabait siya, totoong tao, wala sa kanyang gray area. Kailangan sa kanya ay yes or no talaga. Kapag mali ka, sasabihin niya sa iyo, pero siya rin ang pinaka-unang pupuri sa iyo kapag maganda ang ginawa mo.”

Sa tingin mo, iyong mga kaibigan na tulad ni Ms. Sylvia ay mahirap nang makita sa showbiz ngayon? “Oo naman, mahirap nang makakita ngayon ng kaibigan na tulad ni Sylvia. Well, kasi, iba na rin ang generation ngayon, e. Siguro ay masuwerte na rin ako saka iyong grupo namin na kumbaga ay nabuo na iyong foundation namin noon pa lang.

“Kumbaga, kilalang-kilala na niya ako, hindi ko na kailangang magpanggap sa kanya at hindi na rin niya kailangan magpanggap sa akin. Nakita na niya ako na sobrang baba ko at nakita ko na rin siya nang sobrang baba niya. Kaya, tanggap na namin ang isa’t isa.”

Kahit daw naging matagumpay at award winning actress si Ms. Sylvia ay hindi pa rin nagbago bilang kaibigan. “Hindi siya nagbago kahit nagbida na siya, ganoon pa rin kami… nagmumurahan pa rin kami, nagtatawanan pa rin kami, nagkakainisan pa rin kami, pero at the end of the day, nagmamahalan pa rin kami,” nakangiting saad ng Kapamilya actor.

Pahabol ni Smokey, “Kaya iyong tipo ng kaibigan na tulad ni Sylvia, dapat ay iniingatan talaga. Kasi, bihira na ang mga tulad ni Sylvia ngayon sa showbiz at kung mayroon man, siguro ay kakaunti na lang ang mga ganoon.”

 

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …