INATASAN ni NBI Director Atty. Dante Gierran ang lahat sa NBI na lalong palakasin ang anti-corruption campaign lalo nang nakahuli sila sa pamumuno ni EnCD chief Eric Nuqui sa isang entrapment sa Lingayen Pangasinan.
Isang empleyado sa BIR Calasiao, nagnangalang Edgardo Taron, isang computer technologist ang sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pangingikil sa isang negosyante at hiningian ng P150,000 ang isang complainant na si Marilou Santiago Malikdem na may babayaran sanang P69,000.
Ayon kay Director Gierran mag-focus muna sila sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno alinsunod sa utos ni Pangulong Digong na supilin lahat ng corruption sa ating bansa kaya naman nag-umpisa na sila sa imbestigasyon kaya babala ito sa mga nasa gobyerno pero kawatan — hinay hinay kayo.
Kaya pinapurihan ni Director Gierran ang Environmental Crime Division na nanguna sa entrapment operation.
Mabuhay kayo and keep up the good work!
Nakita ninyo si Director, kung ano ang sinabi ni President Digong ay sunod agad siya. Kaya ‘yung PDEA muna ang magtrabaho sa drugs pero riyan mo makikita si Director Gierran na ‘pag sinabi ni Pangulong Digong no questions to ask. ‘Yan ang opisyal ng gobyerno na dapat tularan.
Siyanga pala si Director Gierran ang kauna-unahang Director ng NBI na napiling mag-courtesy call kasama si Pangulong Digong at iba pa kay Pres. Donald Trump ng Estados Unidos. One in a million ‘yan. Mantakin ninyo, Siya ang makikipagpulong sa pinakamataas na FBI Director ng EU bilang counterpart ng NBI sa bansa.
Ang galing talaga ng ating Director, kaya napaganda na rin dahil nalalapit na ang pagkatatag ng NBI sa kanilang anniversary.
Mabuhay ka Director Gierran! You’re the best.
*****
Congrats din kay Marvin Matamis na full time lawyer at si Atty. Zaldy Rivera na napakaraming accomplishment sa NBI. Matagal ko nang sinubaybayan ang career nila at subok na at walang kakupas-kupas!
Go! Go! Go! Atty. Rivera.
Kayo ang mga pag-asa ng environmental crime division, mga old timer sa NBI at si Matamis na kasintamis ng accomplishments ng NBI.
****
Happy birthday sa kaibigan ko na si Atty. Ernesto Makabari, wish you all the best. Tinanong ni Director Gierran annong wish mo, ang sabi balik daw Tacloban RD. Hehehe!
Kako naman AOCTD concurrent.
Pagdating sa accomplishment at trabaho ng NBI, ang napakatatag at may puso sa panunungkulan lalo si Director Gieeran kaya mag-ingat ang mga taga-BIR, DPWH, BOC, DA, BID, CHED at iba pa, dahil sasabak na ang NBI sa lifestyle check sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.
Mabuhay si Pangulong Digong at si Director Gierran dahil may masasampolan.
Go! Go! Go! NBI!