NAPIPINTONG muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes.
Maglalaro sa P0.90 hanggang P1 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng gasolina.
Tinataya rin nasa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang itataas sa diesel.
Sa kerosene, P0.90 hanggang P1 ang magiging dagdag sa presyo kada litro.
Nitong nakaraang linggo, nagtaas din ang presyo ng mga produktong petrolyo.