Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hubert, inaming nagtampo kay Isabel, ikinatuwa ang pagiging kamukha ng ina

NAI-CREMATE na kahapon ng hapon ang labi ni Isabel Granada sa Arlington Memorial Chapels.

Pero bago ito, sa ikatlong gabi ng lamay, nagkaroon ng Eulogy na inumpisahan muna ng isang misa. Pagkatapos ay ang Eulogy na pinangunahan ng mga kaibigang sina Shirley Fuentes, sinundan ni Chuckie Dreyfus at pagkaraan ay ang partner na si Arnel Cowley.

Isinunod naman ang nag-iisang anak na si Hubert na bago magsalita ay kinantahan muna ang kanyang ina.

Madamdamin ang kinanta ni Hubert kaya marami ang agad na nabagbag ang damdamin.

Sa Eulogy ng anak, inilabas nito ang matagal na niyang kinikimkim na tampo sa ina. Ang akala niyang pinabayaan siya nito.

Nag sorry din ito sa ina at sinabing mamas boy siya.

Inihayag din nitong dalawang beses siyang iniwan ng ina, noong naghiwalay ang kanyang Mama at Papa at ngayong lumisan na ito ng tuluyan.

Pangako ni Hubert, “Ma, ipagpapatuloy ko ang legacy mo na mag-aartista. ‘Yung pagtuturo mo sa akin na kumanta, ang pagiging singer, ipagpapatuloy ko.”

Ikinatuwa naman niya ang pagiging kamukha niya ni Isabel.

“Hindi ko akalain na mangyayari ito (pagkamatay ng ina),” sambit pa ng anak.

Nagbigay din ng dalawang kanta si Aiza Seguerra, ang Kahit Isang Saglit at Gone Too Soon.
I Aiza, parehong school ang kanilang pinag-aralan, “Siya ang ate na maalaga, totoong tao. everytime I see her she’s always very warm and real and ‘yung ngiti laging nariyan. Lagi n’yang ipinararamdam na tuwang-tuwa siya kapag nagkikita kami.

“Nawalan ang lahat nang mawala sya. Sana hindi mawala ang magaganda niyang nagawa,” giit pa ni Aiza.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …