Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald masayang nakapagpapakilig ng fans nila ni Kim sa ILAI

MULI na namang napasaya’t napakilig nina Gerald Anderson at Kim Chiu ang kanilang Kimerald fans na nakapanood ng wedding scene nila sa pinagsasamahang top rating Daytime series na “Ikaw Lang Ang Iibigin.”

Ayon kay Gerald, marami pang kaabang-abang na eksena sa kanilang soap. “Ako, personally natutuwa, kasi at least maraming fans na masaya. Alam naman natin na matagal din nilang hinintay ‘yon. Ang dami naming pinagdaanan bago kami umabot doon. I think kaya mas naging maganda ang eksena because of sa mga pinagdaanan namin.”

Dagdag niya, “Marami pang mangyayari, marami pang dapat abangan,” pahayag at pag-iimbita na rin ng sikat na aktor. Totoong mas exciting at kapana-panabik ang palalim na palalim na istorya ng ILAI at malapit nang makompirma ni Roman (Michael de Mesa) na si Gabriel (Anderson) at hindi si Carlos (Jake Cuenca) ang tunay niyang anak.

Tanggapin kaya ni Roman si Bianca (Chiu) na maging bahagi ng pamilya nila ni Gabriel? Alamin at tunghayan lahat ‘yan sa ILAI, na umeere tuwing 11:45 ng umaga sa ABS-CBN Prime Tanghali pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters.

ANGELINE AT JANNO,
BAGONG KARAKTER
SA FPJ’s
ANG PROBINSYANO

Angeline Quinto Janno Gibbs Rico J Puno Irma Adlawan FPJAP

LAST Friday ipinakitang dumating na sa Maynila galing Pulang Araw ang magkakamping sina Cardo (Coco Martin) at Leon (Lito Lapid) na iniwan pansamantala ang kuta para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.

Umagaw agad ng eksena sa no. 1 show ng bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano” ang pagsulpot ni Angeline Quinto at pagpara sa isang kotse na nang malingat ang may-aring nagmamaneho ay agad dinukot ng kanyang kasama ang pitaka at sabay kuha ng gadget sa loob ng sasakyan.

Obyus na matinggera o snatcher ang papel ni Angeline na miyembro ng grupo ng mandurukot. Gaganap namang kapatid ni Angeline si Janno Gibbs at Rico J. Puno at Irma Adlawan bilang mga magulang.

Si Rico ay dating miyembro ng Pulang Araw kaya siguradong magkakaroon ng connect ang pamilya ni Angeline kina Leon at Cardo na nag-uumpisa nang hanapin ang mga kaaway nila at ng batas na sina Alakdan (Jhong Hilario) at kalalabas lang sa kulungan na si Don Emilio (Eddie Garcia) na balik sa pagiging drug lord kasabwat ang sinusuportahang politiko at kapwa drug lord na si Sen. Mateo De Silva (Joko Diaz).

Ilan sa tiyak na matinding makakasagupa ng dalawa ay sina General Renato Hipolito (John Arcilla) at Major Manolo Catindig (Sid Lucero) na parehong traidor sa bayan at pasimuno sa mga pagsabog. At dahil mas kaabang-abang ang maaaksiyon at madramang mga tagpo sa Ang Probinsyano, siguradong mas marami pa ngayon ang tututok sa seryeng hatid ng Dreamscape Entertainment na patuloy na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida ng Kapamilya network.

“UNEXPECTEDLY YOURS”
NINA SHARON AT ROBIN
WITH JOSHLIA LOVE TEAM
HUMAMIG NG MILLION VIEWS

Joshua Garcia Julia Barretto Joshlia Robin Padilla Sharon Cuneta

TAMA ang press release ng Star Cinema, na ipalalabas nila ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla ngayong November 29 na “Unexpectedly Yours.”

Bahagi ng lead cast ang hottest Kapamilya love team na sina Joshua Garcia at Julia Barretto. At base sa trailer ng latest movie offering ng Star Cinema, as of presstime ay umabot na sa one million views and still counting. Mag-ina sina Shawie at Julia sa movie at gaganap namang magtiyuhin sina Binoe at Joshua.

Sa ganda ng trailer ng Unexpectedly Yours, isang feel good and relaxing movie na tiyak na kaaaliwan ng moviegoers, very positive kami na kikita ito lalo’t ang nag-direk nito ay lady blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina.

Marami rin magaganap na block screening ang pelikula organize by megastar fans.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter S. Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …