Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Calvelo tutok sa 2 Int’L Open Chess

NAKATUTOK si Jelvis Arandela Calvelo, ang country’s hottest non-master player sa dalawang International Tournament bago matapos ang taong ito.

Ating magugunita na si Calvelo na tubong Dasmarinas, Cavite ay nakakolekta ng 7.0 puntos mula sa anim na panalo at dalawang tabla para tumapos na malinis ang kanyang kartada sa siyam na laro at makopo ang 3rd overall sa 2017 Canadian Open Chess Championship (Under 2200 section) na ginanap sa Sault College sa Sault Ste. Marie, Ontario, Canada nitong Hulyo 6 hanggang 16, 2017.

Ang 38 anyos na nakabase sa Toronto, Canada kung saan ang kanyang trabaho ay Aircraft Winder at technician sa Canada International Aviation Inc., ay naka- schedule makipagtagisan ng talino sa nalalapit na Mayor’s Cup International Open Chess Championship sa Nobyembre 11 at 12 sa Buffalo, New York, USA kasunod ng Mississauga International Open Chess Championship sa Disyembre 1 hanggang 3, 2017 sa Mississauga, Ontario Canada.

Inaasahan na rin niya na masyadong malalakas ang kanyang makakatapat sa nalalapit na torneo.

“It is part of my learning experience. I have to learn how to beat stronger players,” sabi ni Calvelo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …