Saturday , November 16 2024
prison rape

2 wanted na abusado arestado

NASAKOTE ng mga pulis ang dalawang wanted sa kasong attempted rape at child abuse sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, kamakalawa.

Ayon kay Valenzuela police chief, Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, dakong 4:00 pm nang arestohin ang suspek na si Ronell Ibañez, 27, sa Bagong Nayon St., Brgy. Bagbaguin, ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at PCP-1, sa pangunguna nina SPO3 Beringuel at SPO4 Festejo, sa bisa ng warrant of arest na inisyu ni Hon. Orven Kuan Ontalan, presiding Judge ng Valenzuela City RTC Branch 285, dahil sa kasong attempted rape.

Samantala, dakong 10:30 am nang arestohin ng mga pulis sa pangunguna ni SPO4 Jose Ricky Colibao, ang suspek na si Diosdado Ayson, 29, residente sa Compound 2, Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon, sa Star Apple St., Brgy. Santolan, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Nancy Rivas-Palmones ng Valenzuela City RTC Branch 172, dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *