Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tori Garcia Dino Imperial

Tori Garcia, super-crush si Dino Imperial ng La Luna Sangre

AMINADO ang aktres na si Tori Garcia na super-crush niya ang co-actor na si Dino Imperial sa top rating TV series na La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Si Tori ay bagong pasok pa lang sa naturang TV series ng Dos, samantala si Dino ay matagal na rito at gumaganap bilang si Jethro, sa kanya nanggagaling ang mga pangitain at propesiya sa seryeng ito.

 Sa aming tsikahan, nabanggit ni Tori na kung kakagatin siya ng Supremo (Richard Gutierrez) ay okay lang sa kanya dahil sa kaguwapohan daw ni Richard. Pero bilang bampira at alagad ng Supremo, sino naman kaya ang gusto niyang kagatin?

 “Gusto kong makagat si Dino Imperial, kasi super crush ko siya, hehehehe,” nakangiting saad ng aktres.

 Bakit mo super crush si Dino? Sagot ni Tori, “He is super charming and guwapo, and type ko po siya, hahaha!”

 Ano naman ang masasabi mo kay Richard, since siya ang unang naka-eksena mo sa LLS? “Richard is very, very nice po and super down to earth, na shock po ako kasi he is very friendly kahit super sikat po siya.

 “Wala po at all siyang ere, I even got to talk to him kasi my bestfriend is his neighbor, ang bait po niya talaga. He even thanked me and remembered my name, he deserves his fame po dahil cool talaga si Richard and very humble po. I think he is the perfect person as Supremo, guwapo kasi na mysterious ang dating niya.”

Nabanggit din ni Tori na wish niyang maka-eksena ang mga bida sa LLS na sina Kathryn at Daniel. “Yes po, wish ko iyon. Kasi, ang galing po nila. Actually, I’m more of a JaDine fan, pero nang nakita ko sila na nag-act in person, naging fan na rin ako ng KathNiel.”

  Tinanong din namin si Tori kung may repeat ba ang play nilang Solo Para Adultos (For Adults Only) dahil naging successful ito. “Yes po tito! Maybe in December, pero ang sure po ay iyong sa February. Kaya happy po ako, kasi, actually it’s a very good platform to expand my acting kasi it’s a different style. Hindi na pa-tweetums. It’s very fulfilling at marami po akong natutuhan talaga sa teatro dahil sa SPA (Solo Para Adultos),” saad ni Tori.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …