Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mala-pelikulang duwelo nina Cardo at Leon sa “FPJ’s Ang Probinsyano” nagkamit ng All Time High Rating na 47.9%

Dalawa sa napatay sa pagsugod ng militar sa kuta ng mga rebelde sa Pulang Araw ay si Lena (Yam Concepcion) at ang anak nito.

Kaya labis ang kalungkutan ni Leon (Lito Lapid) sa pagkawala ng kanyang anak at apo. Bagama’t lahat ay ginawa ni Cardo/Fernan (Coco Martin) para mailigtas ang pamilya ng lider at mga kasamahang rebelde sa Pulang Araw pero nabigo siya dahil sa lakas ng puwersa ng militar na pinasabog ang kanilang buong kuta sa utos ng contravida at taksil sa bayan na si General Renato Hipolito (John Arcilla).

Mabuti na lang at parehong buhay sina Cardo at Leon na matapos ipagtapat ng una sa huli na siya nga ang miyembro ng SAF na si Cardo Dalisay ay hinamon siya ng isang duwelo na hindi umabot sa kamatayan. At dahil pareho sila ng mga ipinaglalaban ay nagkasundo ang dalawa na magsasanib-puwersa laban sa mga matitinding kaaway ng batas na sina Hipolito, Major Catindig (Sid Lucero) at magkasundo ngayong Don Emilio (Eddie Garcia) at Sen. Mateo de Silva na ginagampanan ng actor na nakilala sa action films na si Joko Diaz.

Samantala base sa bagong datos ng Kantar Media National TV Ratings ay muling nakamit ng FPJAP ang all time high rating na 47.9% sa Rural at 42.8% sa National sa nangyaring mala-pelikulang eksenang duwelo nina Cardo at Leon na napanood nitong Miyerkoles.

Patuloy na napapanood ang nasabing number show sa buong bansa sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …