Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-inang Sylvia at Arjo magsasama sa mapanghamong teleserye na magpapaiyak sa mga manonood

SA media announcement ng bagong Kapamilya teleserye sa ilalim ng GMO unit ni Ma’am Ginny Monteagudo Ocampo na “Hanggang Saan” halos kompleto ang cast led by Sylvia Sanchez and her son Arjo Atayde na humarap sa entertainment press at bloggers.

Isa itong mapanghamong family-drama series na tiyak na magpapaiyak sa mga manonood na sa unang pagkakataon ay pagsasamahan at pagbibidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde with Yves Flores.

Malaki ang pagkakaiba ng istorya ng Hanggang Saan sa naunang hit teleserye ni Sylvia na “The Greatest Love” na namatay siya dahil sa sakit na Alzheimer.

Dito sa Hanggang Saan, ay gagawin lahat ng actress alang-alang sa kanyang mga anak na gagampanan nina Arjo at Yves. At trailer pa lang ng nasabing serye na malapit nang umere ay pasabog na agad ang mga eksenang ginawa ni Sylvia na may hawak siyang baril at nakikipagbarilan.

Bakit may hawak siyang baril? Ano kaya ang trabaho ni Sylvia sa HS na gaganap bilang nanay na si Sonya?

Samantala bukod sa pagtupad ng ABS-CBN sa mga kahilingan ng fans na magsama ang mag-nanay sa isang teleserye.

Tinanong ng press sina Sylvia at Arjo kung bakit nila tinanggap ang proyekto?

Pinag-usapan daw nila kung tatanggapin nila ang proyektong ito. Ano naman ang naging considerations nila para gawin ang teleseryeng ito? “It’s more of anong roles, actually more of that lang e, ano ‘yung depth ng roles,” ani Arjo.

Para naman kay Sylvia, “Yun lang kung ano ‘yung magiging roles namin, ano ‘yung koneksiyon, ano ‘yung relationship. Siyempre ‘yung istorya kung makapagmumulat ba kami ng mga bata ngayon about sa family. Kasi importante sa akin ‘yung makakapaghatid kami ng magagandang aral sa mga bata, sa pamilya.”

May pressure ba para sa kanila lalo na’t galing sila sa very successful at memorable portrayals ng kanilang roles sa pinanggalingan nilang mga teleserye, si Sylvia bilang si Gloria sa The Greatest Love at si Arjo bilang si Joaquin sa FPJ’s Ang Probinsyano? “Ako, nape-pressu- re ako sobra-sobra. Coming from Gloria, ‘yung The Greatest Love, siyempre ‘yung expectation mataas, eto ngayon bago si Sonia. Pero sabi ko nga, ibinigay sa akin ito ng Diyos, ibabalik ko lang ito sa Kanya. Dasal lang ito, kaya ito!” sagot ni Sylvia.

Ayon naman kay Arjo, “Me, I prefer to disregard the pressure. Kasi in the first place, we trust ABS, so whatever the management gives us, we’ll accept especially if they request us for the project. And at the same time, I’m always doing my best, I’m at my best at all times, I make sure of that. If my best is not good enough for the role or something, then let me know. I think GMO unit and ABS, hindi naman ako papayagan na magkagulo-gulo doon sa character, mawala ‘yung focus ko. And I’ll make sure and promise to people na for this privilege, for this blessing, I will give my 200 percent, even more.”

Kasama rin nina Sylvia at Arjo sa cast ng bagong teleserye sina Ariel Rivera, Teresa Loyzaga, Sue Ramirez, Flores, Rommel Padilla, Maris Racal, Marlo Mortel, Ces Quesada, Arnold Reyes, Junjun Quintana, Nanding Josef, Viveka Ravanes, at Rubi Rubi.

Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …