NAGPAKITANG gilas si LA Santos sa Canada sa kanilang concert ng veteran performer na si Martin Nievera. Unang napanood noong October 29, 2017 sina Martin at LA sa Edmonton, Marriott River Cree Casino Entertainment Center. Sumunod ay sa Grey Eagle Hotel and Casino Event Center sa Calgary noong November 5 naman.
Base sa nakita kong video clips ng concert nila ni Martin sa Canada, mas magaling ngayon si LA bilang performer. Ang nakita kong number niya ay nang kumakanta sila ng All Of Me, originally sung by John Legend. Dito’y hindi nagpahuli si LA sa veteran performer na si Martin. Sa next number naman nila ni Martin, isang fast song ang binanatan ng dalawa at dito’y muli kaming pinabilib ni LA, dahil habang kumakanta ay with matching hataw sa pagsayaw sa stage pa ang ginawa ni LA.
Anyway, nang naka-chat namin ang talented na recording artist recently, inusisa namin kung ano ang masasabi niya kay Martin Nievera?
Tugon ng guwapitong singer/actor, “Masasabi ko po kay tito Martin na he’s the best po! He teaches mo everything I know and he’s really a very chill person to be with. And he’s already becoming a father figure to me .”
Bukod sa pelikula at paglabas ng kanyang music video na Tinamaan, nominated naman ngayon si LA sa Aliw Awards 2017. Si LA ay nominado sa katagoryang Best New Artist (Male /Female) kasama sina Kaye Cal, Julian Trono, Shane Anja, Moira dela Torre, at Eric Ejercito. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat niya sa Diyos, sa kanyang mahal na Mommy Flor, at sa lahat ng mga tumutulong sa kanyang career.
I’m sure, proud na proud ang very supportive at loving mother ni LA na si Ms. Flor Brioso Santos sa husay ng kanyang anak. Actually, kung tutuusin ay impressive kasi talaga ang mga nagawang shows at concerts ni LA dahil kabilang sa listahan ang mga international artists na kilala talaga sa buong mundo tulad ng The Stylistics, Air Supply, at ni Patti Austin.
Makakasama naman ni LA sa KFest Philippines ang mga grupong U-Kiss, Halo, Laboum, at Walwari sa November 24, 2017 sa Araneta Coliseum. Nang usisain namin kung puwede siyang magbigay nang kaunting patikim sa concert na ito sa Big Dome, ito ang nakagiting sagot ng tinaguriang The Singing Idol, “Di pa po ako pwede maglabas nang info po eh, sorry po. Pero ang masasabi ko lang, na abangan ninyo ito dahil magiging pasabog talaga po ito!”