NAGKUKUWENTO si direk, may panahon palang naging steady niya talaga ang isang baguhang male starnoong araw, na hindi naman nagpatuloy sa pag-aartista.
Pero inaamin ni direk na halos apat na taon ding tumagal ang kanilang relasyon. Natigil lang iyon nang mag-asawa na ang dating male star.
Pero nang mahiwalay iyon sa unang asawa, nagsimula silang magkita ulit ni direk, kahit na may edad na rin ang dating male star. Natigil iyon ulit nang makapag-asawa ulit ang dating male star.
Naiwan na naman si direk, pero sabi niya kung mahihiwalay daw ulit ang dating male star sa bagong asawa, tatanggapin pa rin niya iyon ulit.
Mukhang talagang in love si direk. (Ed De Leon)