Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Aktor, ginapang ni female starlet habang natutulog

ANG haba ng holidays eh, wala kaming magawa.

Kakuwentuhan namin ang isang actor. May throwback story. Matagal na naging tsismis iyan eh, pero walang confirmation kasi wala namang nagtanong sa kanya.

Ang kuwento kasi, habang natutulog siya ay ginapang siya ng isang female starlet noon. Sa haba ng kuwentuhan namin, ngayon lang namin naitanong iyon sa kanya.

Napailing na lang ang actor na ang sagot sa amin ay, “huwag mo nang itanong iyan.”

Natawa kami kasi sa haba ng panahon na magkakilala kami ng actor, ngayon lang siya nagsabi sa amin ng “off the record.”

Usually lahat naman sinasagot niya nang diretso, maski nga iyong inaakala ng iba na maaaring makasira sa kanya. Palagay namin masyado siyang disappointed nang gapangin siya ng female starlet. Hindi lang namin alam kung bakit. (Ed de Leon)

SIKAT NA ACTRESS,
PINAGMALDITAHAN
ANG BETERANANG
AKTRES

SINO itong sikat na atres na nuknukan ng maldita na sa isang taping ay umiral na naman ang pagiging Diva?

Habang nakaupo kasi ito at dumating ang isang veteran actress, binulungan kaagad ni road manager ang aktres at sinabing batiin iyon.

Naloka ang road manager sa isinagot ni actress, ”Bakit ko siya babatiin eh, wala naman akong business sa kanya!”

Kaya umalis na lang si road manager. Hindi talaga binati ni actress ang veteran actress at dinedma-deadma na lang hanggang matapos ang kanilang taping.

Maging ang ibang tao roon ay hindi binabati ni actress at pinangatawanan ang pagiging suplada.

(John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …