Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“This Time I’ll Be Sweeter” nina Barbie Forteza at Ken Chan palabas na sa buong bansa (May pa-early Christmas treat sa fans)

MULA sa success ng pinagsamahang rom-com teleserye na Meant to Be simula ngayong araw ay mapapanood na sa mga sinehan sa buong Filipinas ang first team-up sa big screen nina Barbie Forteza at Ken Chan na This Time I’ll Be Sweeter na dinumog ang premiere night last Tuesday sa SM Megamall Cinema.

Kung pagbabasehan ang dami ng supporters ng Barbie at Ken love team sa Meant to Be ay siguradong tatangkilikin din ang movie ng dalawa sa Regal Multi-Media Incorporated na idinirek ng premyadong box office director na si Direk Joel Lamangan.

Sa trailer pa lang ng This Time I’ll Be Sweeter ay petmalu (malupit) na, dahil humamig ng million views sa Facebook page ng Regal Entertainment. Bukod sa malakas ang chemistry nina Barbie at Ken ay mapapahanga kayo sa ganda ng cinematography sa napakaayos na pag-iilaw at glossy ng nasabing film. Maging ang acting ng dalawang bida rito lalo na sa heavy drama scenes ay pinuri ni Direk Joel.

“Mahusay na mga artista sila. I’m so proud sa lahat ng nandito wala akong itulak kabigin at wala akong napagalitan, ito lamang ang pelikulang wala akong napagalitan, wala akong nasigawan hindi dahil siguro takot sila kundi dahil mahuhusay sila, dahil prepared sila sa anumang (gagawin), dahil on time sila, walang nale-late rito, may respeto sila sa propesyong pinili nila,” sey ni Direk Joel.

At dahil early Christmas treat nina Barbie at Ken ang magandang movie sa lahat ng kanilang fans ay marami silang mga kilig na eksena.

Kuwento ni Barbie, maraming beses siyang hinalikan ni Ken sa kanilang sweet moments, na kahit hindi sa lips ay ikatutuwa pa rin daw ng kanilang mga tagahanga.

Mapapanood na ngayong November 8 ang This Time I’ll Be Sweeter sa cinemas nationwide na parte rin ng cast sina Kim Rodriguez, Hiro Peralta, Fiona Young, Kakai Ramirez, Akihiro Blanco, Jai Agpangan, Yayo Aguila, Neil Ryan Sese, Jon Leo at may special participation sina Rey PJ Abellana at Ara Mina.

***

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …