“MY mom raised me with a very strong work ethic. It was wonderful to get to know that Uni Pak truly empowers women because their work force is 80% women. Bravo to Mardy & Michelle—they are both inspiring! Why? Because they reminded me that in order to be excellent at your job—you must remain PASSIONATE about your everyday tasks.”
Ito ang caption ng vblog ni Kris Aquino para sa kanyang Heart to Heart With Kris ukol sa galing ng mga kababaihan na ipinakita niya kung paanong nakamit nina Mardy at Michelle, kapwa nagtatrabaho sa isang sardines company, ang tagumpay at pag-angat sa buhay.
Sa pakikipag-usap ni Tetay, nalaman niyang 18 taon nang nagtatrabaho si Mardy na nagsimula bilang filling line, na na-promote sa pagiging Quality Control Officer at ngayo’y Production Manager na.
Paniwala ni Mardy, umangat ang katayuan niya sa trabaho dahil sa malasakit niya sa kompanya. Na sinang-ayunan naman ng TV host.
Aniya, ”Dapat talaga ‘yung malasakit sa trabaho o dedication ibinibigay kasi isa ‘yun sa makatutulong to go higher.”
Sampung taon ang iginugol ni Mardy para maabot ang pagiging production manager, na nagsimulang nagtrabaho taong 1999. May dalawa siyang anak na kapwa mga naka-gradweyt na at nagtatrabaho. Ang panganay niya’y tapos ng Culinary Arts na nagtatraaho ngayon sa Call Center at ang ikalawa ay nagtapos ng Psychology.
Bagamat tapos na ang mga anak at nasa US ang asawa, nagtatrabaho pa rin si Mardy dahil, ”Hindi ko po maiwanan ang trabaho. Hinahanap ng katawan.”
Na hinangaan ni Kris dahil tunay na nakabibilib ang sipag ni Mardy.
Hiningan ni Kris si Mardy ng sikreto na maibabahagi sa ibang kababaihang nais ding umangat ang posisyon at maging matagumpay.
“Magtrabaho ng magtrabaho hangga’t buhay,” ani Mardy.
Binigyang linaw naman ni Kris ang sinabing ito ni Mardy. Aniya, ”Nothing beats being diligent. Walang tatalo sa sipag. ‘Yun talaga ‘yun, showing up for the job but not just showing up for the job but be the best you can at whatever level you are. And then slowly but surely, tataas ng tataas ang posisyon mo. And ang ganda because nga both kids also nakita ‘yung ano eh work ethic ‘di ba kasi nai-instill ‘yun ng magulang eh. Kung nakikita ng mga anak mo na masipag ka pati sila mae-engganyo magsipag.”
Sa paglilibot ni Kris sa Uni-Pak, hinangaan niya na karamihan sa mga nagtatrabaho roon ay puro babae.
“And I would imagine also ng dahil sa trabaho rito, a lot of them, ‘yung mga anak napag-aral, medyo napa-angat ang life.”
Ayon sa management ng Uni-Pak, 70-80 percent ng nagtatrabaho sa kanila ay kababaihan. Nagbibigay din sila ng scholarship program sa kanilang mga empleado. ”We encourage their children to, ano…excel in school,” sambit ng taga-Uni-Pak.
May isa pang ibinahagi si Tetay nang makausap si Michelle, isang lab grader o taga-tikim. Siya ang nagtsi-check kung nasa specs, nasa lasa, ang kanilang produkto.
Nalaman ni Kris na kumakain ng chocolate si Michelle para mawala ‘yung lasa ng nakain na niya pa kung may kati pa ‘yung tinitikman niya.
“So, chocolate ang pantanggal ng umay,” sambit ni Tetay.