Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

EB hosts tuloy-tuloy ang pagtupad sa Christmas Wish ng dabarkads

Nobyembre pa lang ay Paskong-Pasko na ang buong paligid ng Eat Bulaga sa Broadway Studio. Bukod sa cash prizes na puwedeng mapanalunan ng studio audience araw-araw sa “Jackpot En Poy” at iba pang segment sa EB, last week ay sinimulan na ng mga host ng Eat Bulaga ang pagtupad sa Christmas wish ng mga Dabarkads sa kanilang taunang “Give Love On Christmas Day.”

Pagpasok pa lang ng audience sa Broadway Studio ay isa-isa na silang pinasusulat ng staff ng Eat Bulaga para sa kanilang wish na regalo na maaari nilang matanggap mula sa kanilang favorite host sa Bulaga. Tulad kahapon dalawang Dabarkads ang nabiyayaan na. ‘Yung isa ay nabigyan ng bagong TV set, grocery items at pakimkim ni Dabarkads Allan K.

Sabi ni Danilo Bandidad na nakatanggap ng te- levision, matagal nang pangarap ng kanilang tatay sa kanilang probinsiya sa Laoang, Northern Samar ang magkaroon sila ng sariling TV, na ngayon ay natupad na. Bukal sa puso ng mga host ng programa ang binibiling regalo at ito’y pasasalamat nila sa walang sawang suporta na ibinibigay sa kanila ng mga manonood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …