Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dugo’t pawis at buhay, ibinigay sa Ang Panday

And speaking of Ang Panday, sinabi ni Coco na tapos na tapos na ito. ”Finally natapos ko na siya. Siguro lahat ng aking dream, lahat ng aking pangarap isinagad ko na hanggang sa last day shooting namin.”

“Dugo’t pawis at buhay ang ibinigay ko dahil ang location namin sobrang hirap talagang sabi ko, hindi pala biro na maging director, kasi at the same time na ikaw ang producer, napakahirap ng pagdaraanan mo.

“Apat kasi ako—director, produ, artista, creative—lahat ginawa ko, pero sabi ko nga ang sarap sa pakiramdam after ng natapos na.”

Aminado si Coco na nahirapan siyang gawin ang Ang Panday. ”Ang hirap dahil isinasabay ko sa ‘Ang Probinsiyano’ pero kapag gusto mo ang ginawa mo kahit halos hindi mo na kayang bumangon dahil sa sobrang pagod hindi ‘yung makapipigil sa iyo sa determinasyon na alam mo na kinakailangan mong tumayo dahil may purpose kung bakit mo ginagawa ito. And then ang sarap ng pakiramdam lalo na kung nakikita mo ‘yung resulta.”

Napag-alaman din naming tinutukan din ni Coco ang editing para matiyak na talagang maganda ang kalalabasan ng Ang Panday na mapapanood na sa December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …