AMINADO ang premyadong aktres na si Ms. Sylvia Sanchez na hindi siya nagdalawang isip nang inalok sa kanya ang indie film na ‘Nay. Ang pelikula ay entry sa Cinema One Originals na magaganap sa November 13 hanggang 21. Ito ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda at tampok din dito sina Enchong Dee at Jameson Blake.
Base sa nakita naming teaser at stills ng pelikulang ‘Nay, madugo ito at bilang aswang ay kumakain ng tao rito si Ms. Sylvia.
Nabanggit niya na walang kaso sa kanya kung magbaba man siya ng talent fee para makagawa ng isang pelikulang satisfied siya sa kinalabasan.
“Ilang years akong nasa TV, wala akong movie. Last movie ko ay The Trial, tapos ilang years akong nasa TV. So, noong in-offer sa akin ito, hindi ako nagdalawang isip, kasi nakita ko iyong script ay maganda.
“Tapos, unang sabi sa akin, okay lang ba sa iyo na indie? Honestly, wala akong pakialam kasi artista ako, e. Once na artista ka, alam ko, handa ako kung anumang ibibigay sa akin na role, kaya kong gampanan iyon,” pahayag ni Ms. Sylvia.
Dagdag pa niya, “At iyong TF na iyon, yes, alam nating bababa pero ‘yung passion ko naman at iyong craft ko naman, mas lalong hahasain dito, kaya why not?”
Ayon sa award-winning aktres, challenge sa kanya ang gumanap sa naturang Cinema One Originals entry bilang isang aswang.
“Isang challenge talaga sa akin ang pelikulang ito, sobra! Kasi sa prosthetics pa lang, ang hirap-hirap na talaga. Bale, inaabot ng two hours kapag inilalagay na o ikinakabit na iyong prosthetics at ang init-init.
“Pero kung mahal mo talaga ang trabaho mo, iyong craft mo, gagawin mo talaga ito. Lalo’t sabi ko nga, nagustuhan ko iyong script ng ‘Nay.”
Natutuwa po ba kayo na iba’t ibang roles ang nagagampanan n’yo at napapasabak kayo sa iba-ibang genre, like dati drama, ngayon horror?
“Sobrang saya ko na nabibigyan ng mga opportunity na makaganap ng iba’t ibang klase ng roles,” wika niya na idinagdag pang game rin siya kung bibigyan ng project na comedy or action.
Ano pa kayang role ang sa tingin niya ay magiging challenging na gampanan niya in the future? “Puwedeng killer or baliw, lahat naman nacha-challenge ako, kasi bawat role na ibinibigay sa akin, iba-iba naman pagdating sa characterization, iba-iba ang emosyon na kailangan mong ibigay. Depende kasi iyan sa atake ng isang artista, e,” aniya.
KUYA JAY MACHETE
NG 91.5 WIN RADIO,
TAMPOK SA BAKIT
ANG HIRAP MAG-MOVE
ON CONCERT-TALK
SA unang pagkakataon ay magkakaroon ng Concert Talk si Kuya Jay Machete ng 91.5 Win Radio dubbed as Bakit ang hirap mag-move on. Dito ay ipapaliwanag ni Kuya Jay kung paano nga ba ang gagawin para makapag-move on ang isang broken hearted individual na nanggaling sa isang failed relationship.
With the use of spoken language or monologue ni Caren Armillo of Pag-ibig Feels ng 90.7 Love Radio, maipapaliwanag nang maayos kung ano nga ba ang proseso ng pagmo-move on at kung paano ito dapat gawin.
Makakasama ni Kuya Jay sa Concert Talk na ito ang mga sikat na OPM singers ng mga broken hearted songs gaya nina Jireh Lim at Mark Carpio. Kasama rin sa Concert Talk na ito bilang guests ang Pinay Teenage Sweetheart ng Brunei na si Micole Dupaya at ang lawyer turned actress na si Atty. Jemina Sy.
Ang Concert Talk na ito ay first of its kind sa concert scene na dedicated solely para sa mga broken hearted at sa mga nilalang na iniwan ng kanilang partner.
Ang Bakit ang hirap mag-move on Concert Talk ay magaganap sa Music Box Timog Ave, QC, Nov. 9 7PM. This show is presented by Hannah’s Beach Resort Ilocos, Frontrow Philippines, Jewels Clothing, Aficionado Perfume, MK Group of Companies, Comguild International, Tamayo’s Veggies Medicine at Hotel Sogo.
For inquiries, please text 09184194480.
ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio