SA loob ng anim na araw, naka-P51.5-M na ang latest offering ng Star Cinema na The Ghost Bride na nagtatampok kay Kim Chiu at idinirehe ni Chito Rono.
Ang The Ghost Bride rin ang tampok na pelikula sa pagbubukas ng CityMall Cinema sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, ang ikaapat sa 100 CityMall na bubuksan hanggang 2020.
At bilang kinatawan ng The Ghost Bride, sina Christian Bables at Kakai Bautista ang dumalo sa pasinaya dahil nasa Cebu sina Kim at leading man nitong si Matteo Guidicelli para sa sa isang personal appearance commitment.
Nagkaroon ng blessing ng sinehan, na si Fr. Rey Nicolas ang nag-officiate. Principal sponsors naman ang mayor ang Sta. Rosa na si Ginang Marita Chua-Angeles.
Si Miss Elena Mercado, head ng marketing ng City Mall ang punong abala sa pasinaya.
Apat na CityMall na ang binuksan na sinimulan noong Setyembre 1, ang Imus branch na sinundan sa Consolacion Cebu noong Setyembre 29, Tagum noong Oktubre 20, at ang pinakahuli ay ang sa Nueva Ecija nga.
Sa Nobyembre 17 naman bubuksan ang CityMall Cinema sa Dumaguete, December 1 sa mandalagan at Victorias, at sa December 15, ang CityMall Cinema sa Boracay.
Ang ABS-CBN, ang pinakamalaking media at entertainment company ay nakipag-partner sa community mall developer na CityMall Commercial Centers Inc., para magkaroon ng mga sinehan sa mga probinsiya.
Sa ilalim ng partnership, ang ABS-CBN ang magma-manage ng booking at food and beverages operations ng mini theaters samantalang ang CityMall ang bahala sa pagtatayo at pagbubukas ng cinema infrastructure.
Sa pamamagitan nito kasiý maaabot ng Star Cinema, ang ABS-CBN’s movie production arm, ang mga malalayong lugar para maipalabas ang mga pelikula nila.
Kaya pala P150.00 lamang ang bayad sa sinehan doon sa Sta. Rosa Nueva, Ecija na kayang-kaya ng mga taga-probinsiya. Ito kasi ang nais ng Star Cinema, ang maabot ang mga taga-probinsiya.
Ang CityMall Cinema sa Sta Rosa ay mayroong 94 seaters.
“In our partnership with Citymall, I’m happy to say that our movies will now be made available in areas where they weren’t available before,” ani ABS-CBN President Carlo Katigbak.