SA wakas magsu-shooting na rin ng kanyang pelikula ang balik-showbiz na si Rhene Imperial sa pelikulang Jacob, Ang Drug Lord na ididirehe ni William Mayo.
Noong araw, kalimitang nagagampanan ng actor ay ang isang drug lord kaya naisipan ng producer ng movie na kunin si Rhene para sa pelikulang ito. Malaki ang maitutulong ni Rhene para makapagbigay-aral sa mga nangyayari ngayong talamak ang droga sa bansa.
Si Rhene ay isang malaking artista noon at maraming nagawang pelikula.
It’s about time na magbalik-pelikula ang mga dating artista dahil kakaunti na lamang ngayon ang masasabing tunay na artista.
Mga de baterya na kasi ngayon kung umarte ang karamihan sa mga artista.
Ang balita namin, si Mocha Uson ang target na maging leading lady ni Rhene sa kanyang pelikula.
PHILIPPINE SEAS,
BAGAY NA BAGAY
KAY ATOM
BONGGA ang programang ibinigay ng Kapuso Network sa dating Kapamilya star na si Atom Araullo, ang Philippine Seas.
Nagulat at humanga si Atom sa kagandahan ng ilalim ng dagat dahil iba’t ibang uri ng isda ang ipakikita niya sa show.
Matagal na si Atom sa Kapamilya pero wala yatang project na matatandaang ginawa niya na ganito kaganda.
May karapatan naman si Atom sa ganitong klase ng show dahil napatunayan na rin naman niya kung gaano siya kagaling sa paghahatid ng balita.
Samantala, may pelikula rin siya, ang Citizen Jake na idinirehe ni Mike de Leon na ang shooting ay ginawa noon sa Baguio City.
SUNSHINE, GABI-
GABING NASA BUROL
NG TATAY-TATAYANG
SI BALDO
SIX years old pa lamang si Sunshine Dizon tatay-tatayan na niya ang yumaong actor fight instructor na si Baldo Marro. Noong araw na nominate si Sunshine bilang Best Child Star ay katakot-takot ang iyak nang hindi manalo. Panay lang ang pag-aliw sa kanya ng inang si Dorothy Lafortesa.
Nanalo noong gabing iyon si Baldo bilang Best Actor mula sa pelikulang Patrolman. Biglang kinarga ng actor si Sunshine at ipinanhik sa stage para tanggapin ang kanyang award.
Sabi ni Baldo, pareho silang nanalo. Kaya sa murang isipan ni Sunshine, nanalo rin siya ng gabing ‘yon.
Si Baldo ang nagwaging Best Actor at tinalo niya si Fernando Poe Jr..
Ngayong wala na si Baldo, (na pumanaw na noong Oktubre 22 sa edad 69) mami-miss ni Sunshine ang mga itinuro nito para huwag magkakasakitan kapag may fight scenes. Naia-aplay ito ni Sunshine sa eksena nila niRhyza Cenon.
Isa si Sunshine sa gabi-gabing dumalaw sa lamay ng kanyang itinuring na ring tatay habang nakaburol ang actor sa Bacoor, Cavite.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales