BACK to back ang nakuhang panalo ng Pilipinas sa katatapos na timpalak pagandahan. Nagwagi bilang Miss Earth 2017 si Karen Ibasco samantalang itinanghal namang Reina Hispanoamericana 2017 ang aktres na si Winwyn Marquez.
Ginawa ang grand coronation night ng Miss Earth noong Sabado, November 4, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, samantalang ang Reina Hispanoamericana 2017 ay noong Sabado rin ng gabi (Linggo ng umaga sa ‘Pinas) sa Bolivia.
Agad tumulo ang luha ng 26-anyos na university instructor nang banggitin ang kanyang pangalan bilang Miss Earth 2017. Pinalitan niya si Miss Earth 2016 Katherine Espin ng Ecuador.
Nakatunggali ni Ibasco sa final four sina Juliana Franco ng Colombia na itinanghal na Miss Earth Air 2017, Lada Akimova ng Russia na nagwagi bilang Miss Earth Fire 2017, at Nina Robertson ng Australia bilang Miss Earth Water naman.
Natanong ang apat para sa final Q&A portion ang, What is the biggest enemy of Mother Earth?
Hinangaan si Karen sa kanyang sagot na, ”I believe that the real problem in this world is not climate change.
“The real problem is us because of our ignorance and apathy.
“What we have to do is to start changing our ways, to start recalibrating our minds and redirecting our steps because together, as a global community, our micro-efforts will have a macro-effect to help save our home, our planet.”
Sa kabilang banda, tinalo ni Marquez ang 26 na iba pang kandidata. Hahalinhan ni Marquez si Maria Camila Soleibe ng Colombia.
Sa pageant’s question-and-answer portion, natanong si Marquez ng, how she would promote the Hispanic-American culture with the great difficulty or barrier of language.
Sagot ni Marquez, ”Language can be learned but the will and determination to contribute to the organization cannot. It has to come from the heart. It has to be natural. I believe that kindness is a universal language that if you treat people with tolerance, patience and love, you will understand each other.
“The Hispanic culture is not about language only. It’s about love for God, love for country, love for history and culture and love for family. As a Filipina with a unique heritage, I have instilled that. I am ready to promote the Hispanic culture not just in Asia but in the whole world. It is time to celebrate the Hispanic culture. It is meant to be celebrated.”
Bago ang pre-pageant activities, nagwagi na si Marquez ng ilang special awards.
RHIAN, ‘DI NAGMAMADALI
(Kahit engage na at nag-aasawa
ang karamihan ng kaibigan)
WALANG dahilan para iwan ni Rhian Ramos ang GMA 7.
Ito ang iginiit ng aktres sa grand presscon ng pinakabago niyang pelikulang Fallback handog ng Cineko Productions, ini-release ng Star Cinema at mapapanood na sa November 15. Idinirehe ito ni Jason Paul Laxamana.
Ani Rhian,” I feel very blessed to be working on a TV project right now with Lovi Poe, Dennis Trillo and Max Collins, at saka it’s also another comedy, so I feel very, very grateful and happy.
“I’m very happy with everything that I have right now, so I don’t really feel the need to change anything at the moment.”
Bukod sa career, happy din si Rhian sa kanyang love life dahil maganda ang relasyon nila ng Filipino-Chinese businessman BF na si Jason Choachuy.
At dahil nagsisipag-asawa na ang karamihan sa kanyang mga kaibigan, natanong si Rhian kung kailan naman sila ni Jason?
Aniya,”‘Yun nga, eh, kasi lahat ng friends ko na nga, na-engage na, actually, most of them, nakasal na. Si Max pa is getting married in December.
“So, I mean, hindi ko naman masabi na hindi siya nagko-cross sa mind ko, kasi, kahit paano naman, because it’s happening and we attend the weddings together pa, you know, maiisip ko rin na what would it be like kaya kung ako rin.
“Pero hindi rin kasi talaga ako nagmamadali, eh. At saka wala pa akong feeling na I’m running out of time, so wala.”
Iginiit ni Rhian na nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa at natutuwa na makatrabaho ang mga artistang hindi niya nakakatrabaho pa.
Makakasama ni Rhian sa Fallback sina Zanjoe Marudo at Daniel Matsunaga, Ms. Tetchie Agbayaniat marami pang iba.
ISABEL,
PUMANAW NA
SA EDAD 41
PAGKATAPOS ng dalawang linggong pagka-comatose dahil sa aneurysm, bumigay na si Isabel Granada.
Sa post sa social media ng kinakasama ng aktres na siArnel Cowley, sinabi nitong, ”It is with great sadness that my wife Isabel Granada has peacefully passed here in Doha Qatar.
“She has been a fantastic wife, mother and daughter.
“She always did her best in everything she did, whether it be in front of a camera or sports.
“I would also like to take this time to thank the Filipino community in Doha for giving their full support throughout this difficult time for myself and the family.
“Baby.. wherever you might be..just always remember that I LOVE YOU. and I miss you very much.”
Isang pagdadalamhati rin ang inihayag ng dating asawa ni Isabel na si Jericho Aguas sa kanyang Facebookaccount. Anito, ”Malaki ang naging parte mo sa aking buhay..
“Binigyan mo ako ng isang gwapot matalinong anak, makulay ang 14 yrs nating pagsasama…
“Sa lahat… mula sa aking pusot kaluluwa.. maraming maraming salamat… pahinga ka na… paalam Isa…”
Ayon naman sa pakikipag-usap ng pep.ph sa pinsan ni Isabel na si Joseph Rivera, binawian ng buhay ang aktres noong Sabado, November 4, 6:00 p.m.. (Qatar time).
Kung ating matatandaan, Oktubre 24 nang isugod si Isabel sa Hamad General Hospital matapos itong mag-collapse.
Si Isabel ay 41-anyos at naulila niya ang kanyang anak na si Hubert, 14 at inang si Isabel Castro o Mami Guapa.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio