Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kate Brios, proud sa pelikulang Bomba!

IPINAHAYAG ng aktres, producer, at MTRCB board member na si Kate Brios na proud siya sa pelikulang Bomba na tinatampukan ni Allen Dizon. Gumaganap dito si Kate bilang asawa ng pulis na may ari ng isang punerarya.

Ang pelikula mula sa panulat at direksiyon ni Direk Ralston Jover ay isang social drama ukol sa middle aged disabled man na isang pipi o deaf played by Allen na may madilim na nakalipas at may taboo relationship sa isang 16 years old na teenager na ginagampanan naman ni Angellie Nicholle Sanoy.

Ano ang reaksiyon niya sa kanyang performance sa pelikulang ito? “Iba ngayon, kasi ngayon parang strong, hindi na aswang-aswang na tulad nang dati. Parang ano ako rito, strong na amo, bale ako ang amo ni Allen sa movie,” aniya.

Pang-ilang movie na niya ang Bomba? “Bale, pang-pito na movie ko na yata itong Bomba. Ang una ay Maria Labo na nag-click naman doon sa amin, sa aming lugar particularly sa Visayas area.”

So, hindi na lang kayo pang-horror lang talaga? Tumawa muna siya bago sumagot, “Oo, drama, action… kahit na ano ang ibigay sa akin na role, gusto ko iyong gampanan. Ang next mo-vie ko after Maria Labo ay itong Teniente Gimo, ang next ay Kakampi na inilaban sa ToFarm Filmfest, sumunod ay EJK, tapos ay Broken Halleluyah, then Tokhang at itong Bomba.”

Paano niya ide-describe ang pelikulang Bomba?

“Itong pelikulang Bomba, kakaiba talaga siya. Kasi nga, ang ginampanang papel ni Allen na pipi, mahirap iyong character niya rito. Sa istorya, ipinapakita ang kahirapan ng buhay, lalo ng isang partikular na tao, na ginampanan nga ni Allen. Dito kasi ay gusto lang ni-yang mag-survive sa buhay, gusto niyang magtrabaho, ang problema, iyong pagiging pipi niya’y naging medyo pasanin niya dahil hindi siya maintindihan ta-laga ng mga tao.

 “So, kaya ayun, nakagawa siya ng hindi mabuti dahil hindi rin naiintindihan ng mga tao iyong sitwasyon niya talaga sa pelikula. Kaya uma-bot sa parang boiling point na napuno na si Allen, na nakagawa siya ng hindi maganda.”

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …