Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Rapist na tenant kritikal sa taga ng landlord

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaking nangungupahan makaraan pagtatagain ng kanyang kasero, ama ng babaeng kanyang tinangkang gahasain sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Nilalapatan ng lunas sa Valenzuela Medical Center ang suspek na si Paulo Estrada, 35, na-ngungupahan sa isang kuwarto sa 85-A San Andres, Brgy. Karuhatan ng nasabing lungsod.

Batay  sa ulat ni Valenzuela Police deputy chief for operation Supt. Rey Medina, dakong 5:00 am nang mangyari ang insidente.

Ayon sa salaysay ng biktimang si Rose, makaraan siyang maligo, narinig niyang may humihilik sa ilalim ng kanyang kama.

Nang sumilip si Rose sa ilalim ng kama ay nagulat siya nang makita si Estrada na maaaring nakatulog sa paghihintay sa kanya.

Bunsod nito, tumakbo palabas ng silid ang biktima at nagsumbong sa kanyang 65-anyos ama.

Armado ng itak, tinungo ng ama ang silid ng anak at nasalubong ang suspek na armado ng patalim.

Bago nakaporma ang suspek ay mabilis siyang pinagtataga ng ama ng biktima.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …