SA mga negosyo inilaan ni Kris Aquino ang oras niya noong hindi siya aktibo sa telebisyon. Kaya pala tatlo na agad ang kanyang Chowking, mula sa unang branch na binuksan sa Alimall noong Nobyembre 2014, sa Rotonda this year, at ang ikatlong branch sa Araneta corner Quezon Avenue na bubuksan sa Kapaskuhan.
Bukod dito, mayroon din siyang Jollibee branch sa Tarlac na magbubukas naman sa Disyembre 8 bukod pa ang 10 sangay ng Potato corner at Nacho Bimby.
Whew, ibang klase itong si Tetay ha, imbes nga naman magmukmok ay ibinuhos ang oras sa pagpapalago ng kanyang mga negosyo. Na siyang maganda at dapat tularan ng mga tulad niyang aminadong dumaan sa depresyon.
Sa tulong ng dasal, pagsisimba, suporta ng pamilya at mga anak na sina Josh at Bimby, naiba ang pananaw ni Kris. Nakakuha siya ng isang bagay na makaaalis sa negatibong ugali. At iyon nga ang pagtutok sa mga negosyo. Na napagtanto niyang magandang pamalit sa mga taong nawawalan ng trabaho, ang makapag-encourage ng entrepreneurship.
Ang magandang takbo ng negosyo ni Kris ay epekto ng pagiging positibo niya sa buhay. Kaya naman laging may kasamang #positivity ang mga post niya sa social media.
Ayon kay Kris, naniniwala siya na kapag positibo ang iniisip, maraming magandang bagay ang darating. Tulad niya, may pintuan mang nagsara, kabi-kabila naman ngayon ang nagbukas na bintana.
Aniya, ”I really believe in that. Kung puwede naman na you can be the voice of someone who really believes that there is another road to travel. Because I’m living proof, I admitted it, I acknowledged it that there were doors that were closed, but there were doors that opened, new ones that opened. And I believe in one, you should never stop praying.
“Two, hold on to your family and your closest friends because they will not leave you behind. And three, believe in yourself, because there will be setbacks. The nicest thing about life is if you have faith hindi ka pababayaan ni God,” paliwanag pa ng TV host/aktres sa launching ng PLDT Home at Smart bilang latest ambassador.
Bukod sa PLDT Home at Smart, abala rin si Kris sa kanyang webisode shoot. Kamakailan, ginawa niya angChristmas Shopping Webisode na magso-showcase ng kanyang Kris Book Love na ginawa sa SM Supermalls. Ito’y mula sa National’s Queen Bee (@xandraramos) na mayroon siyang sariling section of choice books.
Gumawa rin siya ng Connect W/ Kris para naman sa kanyang @nachobimby at @potatocornerph outpost.
Kasama rin sa ginawa ni Kris ang endorsement niya sa Banco de Oro.
Mayroon ding webisode endorsement si Kris ng Uni-Pak Sardines, Claritin, at Elica para sa Bayer.
Tunay na ‘Kris find ways’ para maging produktibo at maging positibo ang pananaw sa buhay.
GULONG, GULONG BUHAY
NG PRETTY ALL GIRL BAND
ROUGE, INI-RELEASE NA
NAKAMAMANGHA ang galing sa pagtugtog ng mga instrumento ng all girl band na Rouge. Sila ang all girl-pretty looking band na sumali noon sa Pilipinas Got Talent Season 5.
Nagbabalik ang Rogue na binubuo nina Kara Mendez (bass), Princess Ybanez (violin), Jeri Oro (guitars), atGyan Murriel (drums) para sa kanilang single na may titulong, Gulong, Gulong Buhay o GGB na out na in various digital platforms.
Ang GGB ay ukol sa pagmamahal, romantic confusion, at anxiety in passion na tiyak marami ang makare-relate.
Ang Rouge ang indie quartet na sumusulat ng original at cover popular songs ng 60s hanggang sa kasalukuyan.
Taong 2015 nang sumali ang grupo at nakaabot sa semifinals ng PGT, nabanggit sa 29th Awit Awards for Best Performance by a new recording artist, at nagwagi sa Best WISHclusive Performance by a group. Finalist din ang grupo sa Alternative Song of the Year.
Bahagi rin ang original song ng Rouge na Hanep, na mayroong 80,000 hits sa Spotify, sa Star Music’s OPM Fresh compilation (kasama ang mga awitin nina Inigo Pascual at Alex Gonzaga).
YouTube sensation din ang Rouge bilang isa sa well-viewed covers ang mga kanta nila bilang itinataguyod nila ang GIRL POWER dahil bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng ganda, talino, at puso bilang isang musikero.
Sabi nga ng mga nakaririnig sa kanila, ‘These young ladies rock!’ Paano’y lahat sila’y nakakakanta, nakakatugtog ng instrument na may harmony ang bawa isa.
Ang musika nila ay nagpapakita ng versatility dahil sa pinagsama-sama nilang light rock songs at classical violin at unique musicality.
Hindi rin naman matatawaran ang naabot ng apat na miyembro ng Rouge. Si Kara, lider ng grupo ay nagsimula sa Pinoy Dream Academy Season 2 na nagbigay daan sa kanya para sa international gigs, at naghasa para maging versatile at mature musician.
Si Princess na violinist ay nagsimulang tumugtog sa edad na 10 at miyembro ng Cebu Youth Symphony Orchestra Junior Ensemble. Bukod sa pagtugtog ng violin, nanalo rin siya sa paggawa ng clay sculpture, poetry writing, illustrative story-telling, at expressive reading. Sa ngayon, kung hindi siya abala, nagre-recycle siya ng mga glass bottle na pinipunturahan niya para muli itong magamit.
Ang gitarista namang si Jeri ay nagpe-perform na samga bar at isang entrepreneur sa umaga.
Kakaiba rin ang galing ni Gyan sa pagtugtog ng drum. Sa galing niya rito, sumali siya sa Battle of the Bands 10 taong gulang pa lamang siya kasama ang dalawa niyang kapatid. Sumali na rin siya sa iba pang kompetisyon, international at local na karaniwang nakakakuha siya ng top spot. Kamakailan, naging top 5 siya mula sa 117, sa isang international on-line contest, Hit Like a Girl. Kung matatandaan ninyo, dahil sa kanyang physical charm, maging si Robin Padilla ay naakit sa kanya nang sumali sila sa PGT.
Halina’t pakinggan ang musika ng Rouge, ang Gulong, Gulong Buhay. Ang Rouge ay nasa pangangalaga ngHorizon Entertainment Production.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio