Saturday , November 16 2024
checkpoint

Killer ng Grade 10 student arestado sa checkpoint

ARESTADO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang responsable sa pagpaslang sa isang Grade 10 student nitong 25 Oktubre, sa isang checkpoint sa lungsod, kamakalawa ng hapon.

Sa pulong balitaan, iniharap ni QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang suspek na si Eric Dalmacio, walang permenenteng tirahan.

Ayon kay Supt. Danilo Mendoza, hepe ng QCPD Talipapa Police Station 3, dakong 3:00 pm nang dakpin si Dalmacio sa kanto ng Tandang Sora at General Avenue, Brgy. Bahay Toro sa nabanggit na lungsod.

Nauna rito, naglatag ng checkpoint sa lugar ang pulisya bunsod ng mga ulat na may nagaganap na panghoholdap sa Tandang Sora.

Naglalakad si Dalmacio nang mapansin ng mga awtoridad na may nakabukol sa kanyang baywang kaya siya ay si-nita at nang kapkapan, nakuha sa kanya ang isang kal. 38 baril.

Sa nabanggit na lugar hinoldap at pinatay ang biktimang grade 10 student na si Kevin Reantaso noong 25 Oktubre kaya minabuti ng PS 3 na i-paalam sa Criminal Investigastion and Detection Unit (CIDU) ang pagkakadakip kay Dalmacio.

Nang iharap sa ilang saksi si Dalmacio, positibo nilang itinuro na ang suspek ang nangholdap at pumatay kay Reantaso sa General Avenue. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *