Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tetchie Agbayani

Tetchie Agbayani, bigay-todo sa bawat role na ginagampanan

MAHIGIT tatlong dekada na sa mundo ng showbiz ang vete-ran actress na si Ms. Tetchie Agbayani. Sa aming panayam sa kanya recently, ipinahayag ni Ms. Tetchie na masaya siya sa paggawa ng pelikula, ma-ging sa drama man o sa comedy.

“I think pareho lang na sobrang enjoy akong gumawa ng drama at comedy. Para sa akin kasi, para silang asin at asukal na magkaiba pero parehong gusto ko at mahalaga sa akin. Siguro dahil sa simula pa lang ay nahasa na ako sa drama kaya napapansin kong hinahanap ng sistema ko ang gumawa ng drama. May pagka-cathartic kasi sa akin ang gumawa ng drama. Parang nagsisilbing therapy ko na halos,” nakatawang saad ng aktres.

Pahayag ni Ms. Tetchie, “Noong ginampanan ko ang role na Sisa sa Noli Me Tangere ni Tito Eddie Romero (na National Artist na natin sa film ngayon) para sa CCP noong 1992, ‘yun na yata ang pinaka-dream role na maaaring gampanan ng isang artista na tulad ko. Although, hindi ko talaga inaasahan na makakasama ako sa project na iyon bilang artista dahil inilapit ko noon ang aking sarili kay Tito Eddie para magtrabaho behind-the-scene. Nagpresinta ako noon na maging script girl niya. Laking gulat ko na lang noong tinawagan niya ako para sabihin na ako raw ang napupusuan niyang gumanap na Sisa sa proyektong iyon.” Dagdag niya, “Pero sa rami na rin nang iba’t ibang roles na nagampanan ko sa mahigit tatlo at kalahating dekada ng pagiging artista ko, para sa akin ay mahirap nang isipin pa kung mayroon pa ba akong natitirang dream roles. Ang tanging hangad ko na lang ngayon ay magampanan ang lahat ng roles na darating sa akin sa pinakamakatotohanang paraan na kaya kong gawin.

Para sa akin kasi, nandoon ang “challenge.” Sana sa lahat ng gawin kong roles ay maging kapani-paniwala ang portrayal ko at ‘yung nadadala at natatangay ang mga audience sa akin kapag pinapanood nila ako.

 “Noong nagsisimula pa lang kasi ako, pangarap ko nang maging isang versatile na actress. ‘Yung tipong kapani-paniwala ako sa lahat ng role na ibinibi-gay sa akin — kahit ang role ay sosyalera, dukha, sanggano, mabait, salbahe, mataray, luka-luka o maging ano pa man iyon. Halimbawa, mayroon ka-sing mga artista na mas bagay sa mayamang role, pero hindi naman kapani-paniwala kapag binigyan sila ng role na mahirap sila or vice versa.”

 Si Ms. Tetchie ay napanood sa maraming pelikula, kabilang ang mga international films na The Emerald Forest, Gymkata, Money Pit starring Tom Hanks,  Disorderlies, Rikki & Pete, at iba pa. Ang aktres ay bahagi ng casts ng forthcoming movie na Fallback na tampok sina Rhian Ramos, Zanjoe Marudo, Marlo Mortel, Daniel Matsunaga, Ricky Davao, Eagle Riggs, at iba pa, sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …