Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Ghost Bride tatlong beses mas nakatatakot sa Feng Shui

NAGING markado ang pagganap noon ni Kim Chiu bilang anak ni Vilma Santos sa “The Healing” na ipinalabas sa mga sinehan noong 2012.

Ang husay ni Kim sa kanyang first horror movie at talagang kinatakutan ang mga eksena niya sa nasabing pelikula lalo sa bandang ending na tinangka niyang patayin ang kanyang Mommy Vi habang sinasapian ng masamang espirito.

Ngayong taon ay nagbabalik si Kim sa kanyang latest horror movie na “The Ghost Bride” na malapit nang mapanood sa mga sinehan at another masterpiece movie ni Direk Chito Rono. Kung pagbabasehan ang trailer ay 3X na nakatatakot sa “Feng Shui” na pinagbidahan noon ni Kris Aquino.

Ang big factor rito, akma kay Kim ang karakter na ginagampanan bilang Mayen na aalukin ni Alice Dixson na magpakasal sa patay kapalit ng malaking halaga para sa kanyang pamilya. Naikuwento ng Kapamilya actress singer (Chiu) sa nakaraang grand presscon ng kanilang movie, na may kamag-anak siya na naging ghost bride. Pinsan daw iyon ng lola niya. Patay na raw ang kamag-anak nilang ‘yun pero mayaman ang mga naiwang kamag-anak ni Kim at napagmanahan ang mga kapatid niya hanggang sa kaapo-apohan ay mayroon silang mga negosyo.

Nagbigay ng ideya si Kim kung paaano tatakbo ang kanyang papel sa pelikula at kung ano ang ibig sabihin ng ghost bride.

“Once na pinasok mo ang pagiging ghost bride parang idine-dedicate mo na ang sarili mo sa pamilya ng patay. So every Monday and Friday, every weekend idinadasal mo ‘yung patay tapos everyday ay pupuntahan mo ‘yung nitso niya, insensohan mo. Tapos lahat ng family event kailangan puntahan mo so, parang asawa mo siya talaga,” lahad ng aktres sa mga invited na entertainment press.

Matutunghayan ng mga manonood ang nakatataas-balahibo at nakapipigil hiningang pagsaksi sa sakripisyong gagawin ni Mayen sa kanyang pagpasok sa nakatatakot na mundo ng isang kakaibang kasalan tulad ng makalumang ghost weddings, na itinuturing na legal sa kulturang Tsino.

Ipakikita rin ng The Ghost Bride ang ‘di mabilang na pamahiin (makaluma o moderno) na patuloy na inaapektohan ang ilang grupo sa komunidad ng mga Filipino-Chinese, partikular sa distrito ng Chinatown sa Binondo, Maynila.

Habang palalim nang palalim na nalulubog si Mayen sa underworld ng mga ghost weddings, marami siyang madidiskubre na maglalagay sa kanya sa panganib. Malalagpasan ba niya ang mga kagimbal-gimbal na mga pangyayari na kanyang pakakawalan bilang isang ghost bride?

Alamin at panoorin sa cinemas nationwide simula ngayong Nobyembre 1 ang The Ghost Bride, at kayo na ang bahalang tumuklas kung ano ang mangyayari kay Mayen? Tampok din sa nakatatakot na pelikula sina Matteo Guidicelli, Christian Bables, Robert Sena, Ina Raymundo, Beverly Salviejo, Isay Alvarez, Nanding Josef, Mon Confiado, Cacai Bautista, Victor Silayan, Jerome Ponce at marami pang iba.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …