Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christian Bables

Christian Bables, hindi takot sa multo!

PINURI ni Christian Bables si Kim Chiu, lead star ng pelikulang The Ghost Bride na pinamahalaan ni Direk Chito Roño. Magkasama sina Christian at Kim sa naturang pelikula ng Star Cinema na showing na sa November 1.

Ayon kay Christian, mabait daw ang Kapamilya actress kaya madali niyang nakapalagayan agad ng loob at supportive rin bilang co-actor.

“Sobrang bait ni Kim, siguro ay dahil parehas kaming Bisaya, kaya hindi na kami nahirapang makahanap ng rapport sa isa’t isa. Sa set, nagkukuwentohan lang kami palagi.

“First time ko pong makatrabao si Kim at ayon nga, sa unang beses na iyon ay sobrang nag-jive agad kami dahil bukod sa pareho kaming Bisaya nga, mabait na tao si Kim at hindi mahirap makapalagayan siya ng loob agad.

“Pagdating naman po sa work, ang dami kong mga tanong sa kanya, bilang bago pa lang din naman po ako. So, ang dami kong mga tanong sa kanya at very generous naman siyang magbigay ng advices,” saad ni Christian.

Nanibago ka ba sa pelikulang The Ghost Bride dahil nalilinya ka sa gay roles, tapos ngayon ay horror naman itong movie mo?
Tugon niya, “Hindi naman nakapapanibago, kasi ay acting job din naman ito. Kumbaga, kagaya rin sa Die Beautiful, inaral din naman. So, hindi naman nakapapanibago.”

Paano mo ide-describe ang pelikulang ito?

“Ang movie na The Ghost Bride ay bibigyan kayo ng halo-halong emosyon. Ito ‘yung mai-in love kayo, matatakot kayo, of course… basta, halo-halong emotions, roller coaster of emotions ang mararamdaman ninyo kapag pinanood n’yo ang movie. 

“Isa siyang I would say, masterpiece, grabe! Direk Chito at Direk Neal Daza, grabe!”

Ano ang role niya sa naturang pelikula?

“Ako po rito si David Chao, isa po akong guy from the past of Mayen (Kim) na magkakaroon ng importance sa kanya,” nakangiting saad niya habang nag-iisip kung paano ito ipapaliwanag na hindi magiging spoiler sa naturang pelikula.

Dagdag niya, “Abangan n’yo po kung ano ang magiging connection ko sa buhay ni Mayen, siguro I would say na may malaking kinalaman ‘yung role na ginagampanan ko sa magiging future niya,” saad ni Christian.

Matatakutin ka ba, in real life?

Saad ni Christian, “Ako personally depende siguro sa paniniwala, pero hindi po kaso ako naniniwala sa multo. Pero takot ako sa manok, sa buhay na manok. Hindi ko alam, pero ang lakas po ng takot ko sa manok.”

Tampok din sa pelikula sina Matteo Guidicelli, Alice Dixson, Robert Sena, Ina Raymundo, Beverly Salviejo, Isay Alvarez, Nanding Josef, Mon Confiado, Kakai Bautista, at Victor Silayan.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …