PURO angal na ang maririnig natin ngayon sa mga broker ng Bureau of Customs dahil dispalinghado o sira ang X-ray machines na dahilan ng pagkakaantalang mailabas ang tone-toneladang produkto. Labis na ang pagkalugi ng mga broker dahil arkilado ang mga trak na tumatagal nang limang araw bago mailabas ang mga kargamento.
Dati-rati ay limang X-ray machines ang aktibo, apat ang sira, kaya umaabot nang limang araw dahil mahaba ang pila bago mailabas ng mga broker ang mga kargamento. Matindi na ang pagkalugi ng mga customs broker at umaangal na ang mga importer dahil sobra pa sa doble ang binabayaran ng mga broker mula nang maupo si Commissioner Isidro Lapeña.
Tumaas na ang taripa halos araw-araw ay nagbabago ang halaga ng taripa gayong hindi na maganda ang serbisyo lalo sa pagkasira ng mga bulok na X-ray machines. Kadalasan umaangal ang mga importer dahil dito, kaya ang siste, ang broker ang nalulugi. Dati-rati ang ibinabayad sa 40-footer ay P50K ngayon ay P200,000.
Dahil sa sobrang haba ng pila sa nag-iisang aktibong X-ray machines, umaabot nang limang araw ang pila ng mga trak na may kargang dokumento, bagay na iniaangal ng mga custom broker. Isa sa dahilan ay nadadagdagan ang kanilang renta sa mga trak, umaangal din ang mga pahinante at drayber ng mga trak!
Malaki ang nalulugi sa mga customs broker dahil sila ang nagpoproseso ng mga papeles lalo na kapag umaangal ang importers sa tagal nang paglabas ng mga dokumento at sa pagtaas ng taripa. Hindi pa rin nawawala ang mga katiwalian sa BoC, nariyan pa rin ang mga katiwalain upang mapabilis ang paglabas ng mga kargamento.
Bakit nga ba nasira o sadyang sinira ang mga X-ray machines sa BoC? Para ba mas madali ang ‘lagayan’ dahil makikipag-usap ang mga broker para mapadali ang paglabas ng dokumento? O sadya bang sinasala muna ang lahat ng kargamento para walang makapuslit na ilegal na kargamento? Makatarungan bang masasabi na iisa lang ang X-ray machines na gumagana? Kung aktibo ang apat na nasirang X-ray machines, kulang pa nga! Dahil noong gumagana ang apat na X-ray machines hanggang dalawang araw lamang sumasailalim ang mga kargamento, ngayon masuwerte na ang limang araw!
Commissioner Lapeña, ano ba ang tunay mong hangarin sa BoC? Ang walisin ang katiwalian o ang gawing mabagal ang pagpapalabas ng mga kargamento para masuring maigi? Paano naman ang mga negosyanteng umaasa at naghihintay? Paano rin ang mga importer na naghihintay ng bayad? Paano ang mga customs broker na kausap ng mga importer kapag package na ang usapan sa presyong idineklara kapag biglang tumaas ang mga taripa?
Nakapangangamba na baka dumating ang araw na wala nang importer ang magtitiwala sa customs broker dahil sa pabago-bagong presyo ng taripa partikular sa raw materials na dumarating sa ating bansa! Sana Commissioner unahin kung paano tataas ang ekonomiya ng bansa, hindi ang pagkapal ng bulsa ng iilan! Napakalaki ng koleksiyon sa BoC, mga X-ray machines mga bulok?
Check Also
Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty
SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …
Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi
AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …
Gunning for amendments
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …
Seguridad ng QCitizens sa ‘Misa De Gallo’ tiniyak ni Buslig
AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …
3 araw ng Metro road deaths
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …