Monday , December 23 2024

Giyera sa Marawi, tapos na; Mabuhay ang mga sundalo!

NATAPOS din sa wakas ang mapamuksang digmaan sa Marawi matapos ang limang-buwan na labanan sa pagitan ng mga sundalo ng ating pamahalaan at mga terorista.

Nakamit ang hindi matatawarang tagumpay ng ating mga sundalo sa pagbawi ng Marawi mula sa kamay ng mga naghasik ng terorismo.

Pero ang lawak ng pinsalang idinulot ng katatapos na giyera ay hindi biro para sa mga mamamayan ng Marawi na nawalan ng kanilang tirahan at mga ari-arian.

Sana ay maging mabilis ang pagbangon ng ating mga kababayan sa Marawi na dumaan sa matinding trahedya at ang kanilang paglimot sa isang mapait na karanasan.

Hindi rin kaunti ang bilang ng namimighating pamilya ng mga bayaning sundalo na nasawi at ibinuwis ang buhay sa Marawi para sa bayan.

Taimtim na pakikiramay po sa mga naulila at taos-pusong pasasalamat sa ating mga sundalo.

LONE RANGER NG MMDA
TIKLOP SA ILLEGAL TERMINAL
SA BGY NI LIGAYA V. SANTOS

KAILAN naman kaya binabalak tapusin ng pamahalaan ang hindi mapasimulang giyera laban sa mga salot na illegal terminal?

‘Buti pa ang giyera sa Marawi ay tapos na, pero ang mga prehuwisyong illegal terminal na sanhi ng matinding problema sa pagsikip ng trapiko sa Metro Manila ay tuloy pa rin sa pamamayagpag.

Ito ay sa kabila na ilang ulit nang nagbanta si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte laban sa salot na negosyo na pinagkakakitaan ng mga walanghiyang barangay, pulis at local government officials.

Noong nakaraang taon, inatasan pa nga ni Pres. Digong ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at National Bureau of Investigation (NBI) na kasuhan ang mga opisyal ng barangay na may illegal terminal sa sakop nilang lugar. (‘Di ba, Tim Orbos na puro daldal?)

Hanggang ngayon ay wala pang nangyayari kahit ilang ulit nang pinagbantaang ipabubuwag ni Pang. Digong ang mga illegal terminal na isa sa mga pangunahing dahilan na nagpapagulo sa malalang problema at pagsikip ng trapiko sa Metro Manila.

Nagmamaang-maangan ba ang mga opisyal ng MMDA at ni isa ay walang maipagmalaking naipabuwag na illegal terminal at pinakakasuhang opisyal ng barangay sa NBI?

Naturingan pa naman na dating heneral na Lone Ranger MMDA pero walang maipamalas na political will para ipatupad ang ipinamana sa kanyang marching order ni Pang. Digong kay Orbos.

Ngayon dapat patunayan ni retired Gen. Danny Lim na mas madaling ipatupad ang batas kaysa maglunsad ng kudeta laban sa pamahalaan.

Isa pa naman tayo sa mga nagkamaling mapahanga noon ni Gen. Lim sa mga inilunsad nilang kudeta sa pag-aakalang magagawa nila ang kanilang pinagsasasabi kapag nabigyan ng pagkakataong makapamuno sa alinmang tanggapan ng pamahalaan.

Kung nagawang maipasara nang ilang araw ni Gen. Lim at MMDA ang mga awtorisadong terminal ng bus sa EDSA, ano’ng dahilan para hindi niya ito magawa laban sa mga illegal terminal na ginagawang paradahan ng mga kolorum bus at van?

Tanging ang pagbuwag lamang sa mga illegal terminal at illegal vendors na okupado ang mga lansangan na daanan ng sasakyan ang nakikita nating solusyon sa problema ng trapiko.

Baka naman hindi alam ni Gen. Lim na may batas din na nagbabawal pagtindahan at babuyin ang mga liwasan gaya ng Plaza Lawton sa Maynila na kung tawagin ay beyond the commerce of man.

Ganu’n din ang lansangan na ginawa para madaanan ng sasakyan na hindi dapat pagtindahan.

Kung alam lang marahil ni Gat Andres Bonifacio na iihian lang ang kanyang monumento sa Plaza Lawton sa Maynila at gagawing illegal terminal ng mga kolorum, tiyak na hindi niya gugustuhing maging bayani.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *