Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Galing ni Coco sa drama ‘di na kinukuwestiyon

MASELAN ang eksenang kinunan sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Iyon ‘yung nagkita sina Coco Martin at Yassi Pressman na napaka-dramatic ang eksena. Hindi niya napigilan ang hindi maluha.

Haos sabay-sabay na pumalakpak ang nakapaligid sa taping na kinunan ang eksena bilang paghanga. May nagkomento lang na noon kahit kailan ay hindi tumulo ang luha ni Fernando Poe Jr.

Anyway, may kanya-kanyang style ang mga artista. Hindi puwedeng punahin at pulaan ang pagluha ni Coco. Sadyang mababaw ang luha ng actor at magaling umarte. Naipamalas nang minsan ng actor ang galing sa drama sa mga nagawa niyang movie noon.

RHENE IMPERIAL,
BALIK-PELIKULA,
PUWEDE RING
LUMABAS SA FPJAP

MALAPIT nang mapanood muli sa screen ang dating action star na si Rhene Imperial. Ito’y sa pelikulangJacob Drug Lord directed by William Mayo.

Nakumbinse ang actor na muling gumawa ng pelikula dahil bagay sa kanya bilang drug lord.

May nasagap kaming balitana  baka mapabilang si Rhene sa puwedeng pumasok din sa FPJ’s Ang Probinsyanodahil matatapos na rin ang istorya ng Pulang Araw ni Lito Lapid. Babalik na kasi ang istorya ni Eddie Garciana ukol sa droga. Ito’y idinidirehe nina Toto Natividad at Malu Sevilla.

JAMES, KAILANGANG
PALAKIHIN
ANG KATAWAN PARA
SA PEDRO PENDUKO

MARAMI na ang excited sa nabalitang magsosolo na si James Reid sa Pedro Penduko.

Kaso may kahilingan ang fans na sana ay mag-body build muna ang actor para magmukhang maskulado si Penduko at hindi payatot.

Marami kasing makaka-engkuwentro si Pedro kaya kailangan malaki ang katawan nito. Paano nga naman niya maibabalibag ang mga kaaway kung manipis ang katawan.

PAGTATALAGA KAY NORA
BILANG NATIONAL ARTIST,
MULING HINILING

SA darating na taon dapat maibigay na kay Nora Aunor ang karangalang National Artist. Ilang beses nang hiniling iyong ibigay sa aktres pero laging nauudlot.

May nagsasabing kahit hindi ibigay ang award ay okey na rin dahil sa mga ipinakitang pruweba sa movie industry ay isa maituturing na rin siyang national artist.

ARA, PINATIRA
SI DEBORAH
SA CONDO

GUWAPO si Jam Melendez, anak ni Deborah kay Jimmy Melendez. Six footer ang bagets at talaga namang puwedeng ihanay sa mga naglipang baguhang artista sa anumang network.

Si Jam ay kapatid ni Aiko pero bihira silang magkita.

Malaki ang pasasalamat at paghanga ni Deborah kay Ara Mina na nagsisilbing guardian angel nila ng kanyang mga anak. Pinatira kasi sila ni Ara sa condo ng walang bayad at may grocery pang ibinibigay.

Nagkasama sina Ara at Deborah sa isang taping at doon nito nalaman na walang matirahan ang mag-ina. Kaya naman inialok nito ang kanyang condo.

No wonder sunod-sunod ang blessings na dumarating sa buhay ng aktres.

Ganyan talaga si Ara, mabait. May binigyan nga rin siya ng kotse, isang kapatid sa panulat.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …