TULOY na tuloy na ang muling paggawa ng pelikula ni Derek Ramsay sa Star Cinema. Noong Lunes, isinagawa ang story conference para sa pelikulang Kasal na pagsasamahan nila nina Bea Alonzo at Paulo Avelino na ididirehe ni Ruel Bayani.
Taong 2015 pa huling gumawa ng pelikula si Ramsay, ang All You Need Is Pag-Ibig.
Sa interbyu kay Ramsay, hindi nito itinago ang excitement na muling makatrabaho si Alonzo. Una silang nagsama ng aktres sa One More Chance noong 2007 at Magkaribal noong 2010.
Nakatrabaho na rin ni Ramsay si Bayani sa No Other Woman noong 2011.
Ani Ramsay, matagal na niyang gustong muling makatrabaho si Alonzo. Marami kasi siyang natututuhan sa aktres. “Your job as an actor is to always learn, always try to better yourself and your craft,” giit nito.
Ang Kasal, ayon kay Bayani ay ukol sa, “three adult wity complex characters whose lives intersect.”
Nagkasama na rin sina Avelino at Alonzo sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong 2011.
TAPING NG BAGANI,
UUMPISAHAN NA;
ENRIQUE,
DIYETA MUNA
DUMATING na noong Linggo mula Hong Kong si Enrique Gil na masayang-masaya dahil marami ang dumalo sa special screening ng kanilang pelikulang Seven Sundays.
Ayon kay Gil nang interbyuhin ng DZMM, naramdaman niya ang totoong emosyon ng mga nanood ng pelikula kaya naman lalo siyang naging proud na naging parte ng pelikula ng Star Cinema.
“Umiyak sila lahat pero lahat naman sila natuwa. Siyempre it’s a different feel kasi bihira lang sila makapanood ng movies natin and to see artists din. It’s a humbling experience to be here,” sambit ng actor.
Samantala, balik-Pinas na si Gil para simulant ang taping ng TV series nilang Bagani na ipalalabas na next year.
“Para siyang bayani. It’s the story about how the Philippines, ‘di ba archipelagic tayo, how the Philippines was born. It’s about our culture,” paglalarawan ni Gil sa bagong seryeng kanyang gagampanan.
Sinabi pa ni Gil na isa siyang superhero sa Bagani at gagampanan niya ang karakter ni Lakas. “Diet diet na lang muna habang walang time mag-work out,” giit pa ng actor.
MGA NATATAGONG LIHIM
NG MGA KILALANG
PERSONALIDAD, IBUBUKING
NI WILLIAM SA SPOTLIGHT
INILUNSAD kamakailan ng UNTV ang programang Spotlight na magtatampok kay multi-awarded broadcast journalist na si William Frederick Silvestre Thio o mas kilala bilang William Thio.
Si Thio ay isa ring experienced news anchor at talk show host. Napanood na si William sa ilang mga programa tulad ng At Your Service at sa long term public service show na Damayan.
Sa Spotlight, mapapanood siya tuwing Sabado, 4:30 hanggang 5:00 ng hapon. Mapapanood na ito simula Oktubre 27.
Bibigyan ng behind-the-scenes look ng Spotlight, ang latest feature program ng UNTV, ang buhay ng mga kilalang personalidad sa lipunan.
Layunin din ng Spotlight na silipin at bigyan ang viewers ng mga hindi pa nila nasisilayang parte ng buhay ng celebrities at mga prominenteng tao sa iba’t ibang industriya na magbibigay linaw sa naging agos ng kanilang buhay.
Kumbaga, ipakikita ng Spotlight na maging ang mga sikat na personalidad ay may mga kaugalian, habits, at hilig din na tulad ng sa mga ordinaryong mamayan.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio